***
(Scene song: High Enough by K.Flay)
[THIRD PERSON]
5:02 p.m.
"What now Uno? Lalapitan natin?," tanong ni Shun.
"Hmmm...pero ako muna. Sesenyas lang ako kapag kailangan," matapos sabihin iyon ni Uno ay lumabas din naman sya ng sasakyan na may dala-dalang baril at tinago ito sa likod ng kanyang pantalon.
Ang naglalakad namang lalaki na tinutukoy ni Uno na si Mr. Herrel ay di napansin ang pagsunod ni Uno sakanya.
Pero napatigil ito nang kailangan nyang sagutin ang tumutunog na kanyang cellphone kaya naman ay napatigil din si Uno at nagtago sa isang halaman.
"Santiago...," ani ni Mr. Herrel sakanyang kausap sa cellphone na rinig naman ni Uno.
"Sinabi ko na sayo noon pa Santiago...mayaman ka man ay di mo makukuha ang lahat,"-Mr. Herrel.
"Di mo mahahanap ang anak ko...," utas ni Mr. Herrel at napagtanto ni Uno na ang tinutukoy ni Mr. Herrel ay si Alia at ang kanyang kausap ngayon ay maaaring si Mr. Argent (ang totoong tatay ni Alia).
"Dapat noon palang...tinuluyan mo na ako...Wala ka sanang problema ngayon," bahagyang sumilip si Uno at saktong napalingon si Mr. Herrel kaya naman ay agad nyang naibaba ang cellphone at naputol ang tawag na iyon.
Agaran namang naitas ni Uno ang kanyang mga kamay sa ere nang tutukan sya ng baril ni Mr. Herrel at napaatras nang lumapit na ito sakanya.
"Pabata ng pabata ang mga pinapadala nila para itumba ako," sambit ni Mr. Herrel.
Nang wala ng maatraasan si Uno at napasandal na sa pader ay tinutok ni Mr. Herrel ang kanyang baril sa ulo na nya mismo...pero di naman natinag ang ekspresyon ni Uno at direktang nakatingin kay Mr. Herrel.
"Kung ako po sainyo...di nyo gagawin to...baka magalit po si Alia," mahinahong pahayag ni Uno. Bahagyang kumunot ang noo ni Mr. Herrel dahil sa narinig.
"Ay....di nyo nga po ba alam na nagpalit ng pangalan ang anak nyo," mas lalong diniin ni Mr. Herrel sa ulo ni Uno ang baril dahil sa salitang anak na narinig nya.
"At boyfriend nga po pala ako ng anak nyo...si Mary Isabella," isang tipid na ngiti ang pinakita ni Uno.
"Uno Delafuente...," pakilala nya.
"Nice to finally meet you Mr. Gabriel Herrel...my soon to be father in law," dagdag ni Uno kaya mas lalong kumunot ang noo ni Mr. Herrel.
"Marami po akong gustong malaman galing sainyo,"
~***~
[Alia]
6: 57 p.m.
Clandestine Academy: Ynigos' Mansion
(Scene song: Just Call by Prince Fox feat. Bella Thorne)
Matapos yung sinabi ni Kouen tungkol kay Uno ay may kumatok kaya halos atakihin ako sa puso habang tinataboy ang dalawa palabas at pinakabuksan ang kumakatok na si Halden pala saka umaktong parang walang nangyayari sa kwarto ko.
Mabuti na lang talaga at di na pumasok si Halden sa silid ko dahil ang sinabi nya lang ay "Pasensya na Alia..." na sinagot ko ng "I understand Halden..I'm not mad..gusto ko rin talaga magpahinga,"
At di ko na pinatagal iyon at nagdahilan na matutulog ako kaya natapos ang usapan namin doon.

BINABASA MO ANG
Clandestine Academy
ActionAcademy of Liars. xoxo -written by: jareditsme {COMPLETED}