[12] Chocolate Night

2.1K 80 157
                                    

***

Spg: language

“Ugh Uno. Pwedeng mauna ka na? Magbabanyo muna ako,” paalam ko sakanya.


“Hihintayin na kita,” umiling ako sa sinabi nyang iyon.


“You don't have to. Alam ko na naman kung saan ginaganap ang party dahil abot hanggang dito ang tugtog,” sabi ko. Huminga naman si Uno so it means ay nakumbinsi ko sya.


“Alright. Text me kung di mo ko makita kaagad doon okay? Maraming bastos dito kaya be alert,” natawa ako sa paalala nya at the same ay natuwa. Kahit Gangster sya at alam kong may mga bagay na hindi maganda na syang nagawa ay masaya akong maging parte ng buhay ni Uno.


Tinanguan ko naman sya at tuluyan na nga akong pumasok sa banyo dahil naiihi na talaga ako. Bigla kasi akong kinabahan dahil ayaw akong patahimikin ng utak ko  kaiisip sa mga posibleng mangyari at makita ko sa party na yun.  Naiisip ko kasi na baka may makita akong mga tao doon katulad nung Miru at yung...comatose na fudge anong pangalan nun. Cone?

Pagkapasok ko naman sa isang cubicle ay ginawa ko na ang dapat kong gawin pero kumunot ang noo ko nang may marinig akong ungol sa kabilang cubicle. Biglang lumakas lalo nang kabado ko ng puso dahil inakala kong may multo dito pero nang makarinig na ako ng kabalog at mura ay napagtanto kong may himalang nangyayari pala.


Geez. People here are insane. Pero di na ako magtataka kung may mga ganitong pangyayari sa loob ng academy na to. The art of surprise for this academy left my system already.


Mabilis akong lumabas ng cubicle para maiwasan marinig pa ang mga kababalaghan nila at tumungo na sa sink para maghugas ng kamay at tingnan ang sarili ko sa salamin. Infairness naman sa academy na to. Pang hotel din ang dating ng banyo nila. Mas nahihiya pa  yata ang mga mikrobyo maghasik ng lagim dito  kesa sa mga tao dito na nagkakalat ngayon.


But unfortunately ay tapos na sila dahil kalalabas lang ng dalawang nilalang ngayon. Maamo pa naman ang mukha nung babae tapos yung lalaki ay si Blondy......ugh. Fudge si Blondy?


Mukhang natandaan nya yata ako dahil panandaliang nanlaki ang mga mata nya nang magtama ang tingin namin. Yeah. Dapat nya lang talaga ako tandaan dahil sakanya ay ang ganda ng unang araw ko sa unit na iyon.


“Next time ulit Wred,” napairap ako sa narinig ko sa babae na tuluyan ng lumabas ng banyo, pero di naman umalis si Blondy at kasalukuyan syang naghuhugas ng kamay ngayon sa katabing sink ko. Pero di matatanggal ng ordinaryong tubig ang kalandian nya, dapat holy water para effective.

“Stalker ka,” aniya and I was like “In your wildest dream Blondy,” sagot ko. He chuckled though. Tsss...kung alam ko lang na ganito sya, di ko na dapat sya sinagip pa. Pero dahil mabait ako ay heto at binigyan ko sya ng panibagong buhay para manlandi.


“Hey,” paalis na kasi sana ako pero heto at pinigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Tsss..basa pa naman ang kamay nya. How rude.


Napatingin ako sa kamay nya sa braso ko saka tiningnan sya.


“You need something Blondy?,” I asked with a sweet voice. I'm teasing you Blondy. Malala na ang kati nito sa katawan kaya kailangang turuan ng leksyon. A good lesson.


Nilapit naman nya ang mukha nya sakin at di ako natinag sa ginawa nyang iyon.


“Walang tao dito,” nakangising saad nya. Nilapit ko ng kaonti ang mukha ko kaya isang galaw na lang talaga ay maglalapit na ang labi namin.


Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon