***
Ang sabi ni Bianca ay di ko dapat isipin ang tungkol sa Dare Game dahil matatapos yun ngayong araw mismo sa saktong 10 am. So it means balik na sa dati ang Clandestine Academy. At ang ibigsabihin daw nun ay normal na ulit dito, I can use the telephone and act normal pag 10 am na. Well, it's 9: 56 now.
Pero paano nga umaktong normal dito?And also, it means na ang mga rules na sinabi nya sakin kanina ay effective lang kapag kasalukuyang nagaganap ang DARE GAME. It's a one week dare game na magbabago ng rankings ng mga Clans dito sa Clandestine Academy and it also means talo sila dahil failed si Blondy. But the rankings at yung two types of students here na Gangsters and Croesus ay everyday na implemented.
Pero napahinga ako dahil dun. It means may isang buwan pa ako bago mangyari ulit ang Dare Game. This academy is surely sick. Kakaiba sila maglibang. Kaya naman Alia ay mag drop out ka na. Wag mo ng hintaying mabulgar ang secreto mo. Pinapahamak mo lang talaga ang sarili mo.
Napailing ako dahil sa sinabi ng utak ko. I know! Dapat akong umalis dito pero kahit ngayong araw ay magpapakacinderella ako na di alila. Ang sinabi ko pa naman kay Bianca na Croesus ako. Oo, feeling mayaman na talaga ako. Grabe ka na talaga Alia. You liar! Pero kesa naman sa sinabi kong Gangster ako, kung magsisinungaling ako ay doon na ako sa Croesus. I don't want to be a Gangster tsaka baka mapasok pa ako sa mga Clans dito.
Anyway, kasalukuyan kong nililigpit ang pinagkainan namin dahil may dumating na kaibigang babae si Bianca at dahil tapos na ang role ko ay sinabi kong ako na ang magliligpit ng pinagkainan namin. Mukhang si Blondy naman ang sadya nung kaibigan ni Bianca eh. Tsaka sanay na akong maghugas.
Pero habang nagliligpit ay may napansin akong mga pumasok na dalawang lalaking nakauniporme din na diretsong naglalakad patungo sa kwarto. Napataas ang kilay ko nang mamukhaan ko ang dalawa. Yung sa bus at yung sa mansion.
Maya-maya naman ay binalot ng tunog ng sirena ang buong pandinig ko. May sunog ba? Pero mali ang inaakala ko nang may kasunod iyong anunsyo.
“The Dare Game has officially ended. X-Clan lose the last dare while the Orion Clan won this month Dare Game. The new ranking for this month is now posted in the website of CA! And tonight's party for Kouen El-roque is the biggest event in the history of Clandestine Academy! He's finally back!,”
Napaismid ako nang may tili ang huling sinabi nung nag anunsyo. Sino ba yung Kouen? How old is he? 100? Para maging biggest event in the history of this fudge school? Anyway, get your shits together Alia. Mamaya mo na insultuhin yun dahil pupunta ka naman. Jusko. Yaan mo na tong CA sa mga trip nila. Just for this night ay maging Croesus ka. Be one of them dahil paniguradong di ka magtatagal dito.
Pagkatapos kong linisin ang magarang kusina dito ay kinuha ko ang cellphone ko at nalaman kong 30 missed calls na pala ang natanggap ko galing kay Uno. Opsie. I totally forgot about him!
Kaya mabilis ko syang tinawagan at isang ring palang ata ay nasagot na sya.
(“Ganyan ka ba talaga kagalit sakin Alia?,”) bungad nya.
“I'm really sorry! May nangyari lang. You can fetch me lat---,”
(“Nasa loob ako,”)
“Ha? Anong nasa loob?,” narinig ko ang mahinang tawa nya.
“Uno Delafuente! Ugh! Stop joking will you?! Pinapakaba mo naman ako!,” sita ko pero rinig ko parin yung tawa nya.
(“I'm glad to know I'm still making you nervous,”) kapag talaga nakita ko na to ay sasapakin ko sya.
(“But I ain't joking. Where are you? Nasa Blue Building ka ba? Anong floor ang unit mo?,”)
