***
"Babe...," napatigil ako sa paglalagay ng huling damit ko sa bag at nilingon si Uno na nakasuot ng pink tshirt, pantalon at vans shoes na naging dahilan ng pagkabog ng puso ko. Kanina lang ang kalmado ko pero ngayon naging abnormal na ang tibok ng puso ko. Epekto nga naman ni Uno sayo Alia.
"Are you okay?," napangiti ako sa tanong nya pero binawi din iyon at napabuntong hininga.
"I'm not actually...but I will be fine," I honestly said. May hangover pa ako sa nangyari nung gabi sa birthday ko at di pa ako nakakatulog ng maayos matapos iyon.
"Nalaman ko lang din ng gabing iyon...and I know I should've told you about it...but it's too late," paliwanag nya.
"Hmmm...I understand. Kailangan din naman nina Shun at June gawin iyon. Nakakalungkot lang dahil puro mga kaibigan ko ang nasangkot...at sa birthday ko pa," thinking about it...di ko mapigilang di makaramdam ng lungkot sa sistema ko. Ang akala kong best birthday ay kabaliktaran pala. I expected too much...dahil siguro, nang gabing iyon...ang makitang nasa iisang lugar lang ang mga taong alam kong may mga issues sa isa't-isa ay nagbigay ng false hope sakin.
Ghad. Hindi ka na dapat umasa pa Alia. This is Clandestine Academy. Academy of secrets. And this place is full of liars.
At ayun na nga...di maalis ang mga bagay-bagay sa isip ko, matapos ang nangyari ay ang dami ko tuloy nabuong tanong sa utak ko at parang nabuksan ang mga mata ko sa totoong nangyayari sa academy. Kaya ang isang tanong ay nadadagdagan na naman ng panibago.
Pero yung mga tanong na: Sino si Mary Katherine sa buhay ni Rae? Anong koneksyon nilang dalawa? Since alam ni Rae ang tungkol sakin...alam nya rin kaya ang nangyari kay Mozy?...ang mga tanong na pabalik-balik sa isip ko.
"Hey...lutang ka na naman,"
"Let me give you a medicine then," agaran nya akong hinila palapit sakanya at niyakap. I hugged him back at napapikit. Isa rin sa mga rason kung bakit ako di makatulog ng maayos ay dahil sa nalaman ko tungkol kina Jae. Paano ba ako makakatulog ng maayos kung nasa iisang lugar lang din ang mga taong pwedeng magbalik sakin sa lugar na tinakasan ko.
"We will have a date when I comeback," napakunot ang noo ko nang marinig ko iyon at puputulin ang yakap na iyon nang mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin.
"Di pa ako tapos magbigay ng gamot," napatawa ako dahil sa kakulitan ni Uno.
"Okay mahal kong doctor,"
"Saan ka ba kasi pupunta?," tanong ko rin naman matapos ang ilang segundong katahimikan.
"Lalabas ako ng academy, pupuntahan ko sina Shun at June," sa isipan ko ay napatango ako. Okay. Gusto ko na rin makirinig ng balita sakanila. Sasama sana ako pero alam kong di ako papayagan ni Uno.
"Babalik pa ba sila dito?," I wondered. Ngayong tapos na yung task nila ay malaya na sila sa Neon Clan..well, I assumed.
"Maybe...hmmm..that's why I need to talk to them," ramdam ko ang vibration kapag nagsasalita si Uno na nagpapagaan ng loob ko. So random Alia.
"Are you still going to be a Gangster o babalik ka bilang Croesus?," naisip ko bigla.
"Hmmmm.....I cannot be a Gangster if I don't belong to a Clan so...I think I will be a Croesus again....pero....I still don't know," napatango ako. Mukhang di na dapat iniisip pa ni Uno ang tungkol sa bagay na iyon..ang daming mas importanteng issue na dapat naming unahin ngayon.
"Anyway, pakitanong naman kina Shun at June kung ano ang mangyayari kay Rae? And you Aiella's kinda depressed after what happened kaya gusto kong makibalita tungkol kay Rae...," pahayag ko. Kumalas naman si Uno matapos iyon at tiningnan ako. Mukhang pati sya ay marami ding iniisip. He looked tired.