[14] Prisoner

1.9K 86 91
                                        

***

Matapos kong iconnect sa bluetooth speaker ang cellphone keypad ko na kahit papaano ay may bluetooth naman ay agad kong pinuno ng pop music ang lungga ng mga pangit at para naman mabawasan ang masamang aura dito.


(Scene song: Lifted by Allie X)

Alam kong nabanggit ko na di ako kumakanta habang naglilinis pero ngayon ay feel kong kumanta dahil masaya ako. At bakit? Aside sa pagbabalik ni Uno ay ang katotohanang malapit na akong mag 18. Two weeks na lang ay birthday ko na kaya pwede na akong maging malaya dito.  Sapat naman na siguro ang dalawang taon na pagiging Herrel ko. Dahil kapag nag 18 na ako ay Montgomory na ang apelyido ko dahil yun ang pinipili ko. Di na ako aasa sa mga Herrel. I will be Alia Montgomory.


Pero napatigil ako nang makarinig ako ng katok sa pintuan. Napakurap ako habang nakatingin sa pintuan. Siguro yung bruha na yun. Kainis. Kakasimula ko pa lang. Tsss...


Kaya naman pinagbuksan ko sya at tumambad sakin ang isang---I mean dalawang pulis?


Bigla akong kinabahan dahil ano ang ginagawa ng mga pulis dito!

“Ano pong kailangan nyo?,” magalang kong tanong.

“Ikaw ba si Alia Herrel?,” tanong ng isa sa sakanila. Di naman muna ako nagbigay ng reaksyon dahil iniisip ko muna kung ano ang mga pwedeng mangyari kung tatango ako.

“Uhh...bakit po?,” yun na lang ang sinabi ko. Playing safe na basta safe!

“May warrant of arrest kami para sakanya,” sabi ng kasama ng nagtanong sakin at may pinakitang papel. Hinablot ko naman iyon at sinubukang basahin pero di ko gets kung bakit may ganito ako!


“Posasan nyo na sya,” nagulantang ako sa sinabi ng pulis at pinigilan ang kasama nyang posasan ako.


“Di naman po ako si Alia Herrel!,” pigil ko pero in the end ay naposasan na ako. Sasabihin ko sanang ako si Mozy at baka may mangyaring himala pero di ko na lang tinuloy at baka kamalasan ang dumating. Para kasing magic word ang pangalang iyon.


“Sumama na lang po kayo samin at sa prisinto na kayo magpaliwanag,” ang famous line ng mga pulis kapag may hinihuli. Damn! Bakit naman ako napunta sa ganitong sitwasyon! Masama na ba ang magpatugtog ng pop music ngayon?!


Pero sa huli ay sumama na ako sa mga pulis na to at kasalukuyan ngang nakasakay sa sasakyan nila. Geez. 17 pa ako! Kulong agad?


Fudge! Di ko pa naman nakuha yung cellphone ko! Dapat malaman ni Uno to! Wala naman akong pwedeng asahan sa ganitong sitwasyon kundi sya.


“Manong pulis. Bakit nyo ko hinuli? Wala naman yata akong nalabag na rules ng syudad na to diba?,” tanong ko sa dalawa. Kita kong nagtinginan sila sa isa't-isa.


“Sumama ka na lang ng tahimik Miss Herrel,” ani nung nagmamaneho at yun na lang ang ginawa ko. Sa labas ko na lang tinuon ang tingin ko. Kalma lang Alia. Walang mangyayaring masama sayo.



And so, matapos ang mga minutong pag-iisip ng kung anu-ano ay may napansin ako...napansin ko na  parang pamilyar yata ang daan na tinutungo ng sinasakyan ko ngayon. Napaayos tuloy ako ng upo at kumunot ang noo ko na sinabayan pa ng pagbilis ng tibok ng puso ko.


Napamura ako sa utak ko dahil sa totoo lang ay papalapit na papalapit kami sa isang gate ngayon. Sa gate ng Clandestine Academy.



“You gotta be kidding me,” nabulong ko at tuluyan ngang nanghina ang mga tuhod ko nang tumigil kami. So nasa entrance ako ng Clandestine Academy. Jusko. Nanaginip pa yata ako.


Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon