[18] The Truth

2K 81 89
                                    

***

(Scene song: Soap by Melanie Martinez)

“I can be a Croesus for you,”  sabi ni Uno pagkababa namin ng motorsiklo.

“No. Shun and June need you,” tanggi ko sabay bigay ng helmet sakanya.

Bumalik kami sa bahay para kumuha ng mga gamit. I'll be staying at Clandestine for awhile and so does Shun and June.

Papasok na sana ako sa loob ng pigilan nya ako.

“Hey,

“Hmmm?,

“I can break my rules for you,” he said at ramdam ko ang sincerity sa sinabi nyang iyon.

“I know you will do everything for me,” I replied.

“But we need to help Shun and June,” dagdag ko.

“Are you sure?,” napatango ako sa tinanong nya. Alam ko ang ibig nyang sabihin. Tsaka maraming beses na rin naman nyang napatunayan iyon sakin.

“I'll be fine Uno. I will be a Croesus at kapag nahanap na natin si Fire ay sabay din akong aalis kasama nila Shun at June,” sagot ko. Nang tumango sya ay tuluyan na akong pumasok sa loob.

Nadatnan ko namang nanonood ng t.v si Evil Ugly Queen at nang makita nya ako ay bumangon sya at nakataas kilay na tiningnan ako.

“Where have you been?,” she asked. I'm quite surprised sa narinig kong english sakanya.

“Ugh...I'm leaving,” I said. Ang nakataas nyang kilay ay kumunot naman.

“Malapit naman ng matapos ang kontrata ko sa bahay na to diba? So I'm leaving early,” sagot ko. Humugot naman ng malalim na hininga si Evil Ugly Queen.

“Mabuti na lang at naisipan mo na yan,” sabi nya at di na ako sumagot saka pumanhik na sa kwarto ko. I'm just gonna waste my precious energy sa babaeng yun.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at naglagay ng mga damit. Lahat ng mga importanteng bagay ay pinasok ko sa bag ko. I know I'm putting myself in trouble. At guguluhin ko ang tahimik kong buhay sa desisyon kong to. But, I think it's time to be involved.

Pagkababa ko naman ay sinalubong ako ng Evil Ugly Queen. Mukhang mamimiss nya ata ako dahil wala na silang alila dito.

“Teka lang,” aniya. Tinaasan ko sya ng kilay.

“Nagmamadali ako,” sabi ko.

“Sino ka ba talaga?,” natigilan ako sa tanong nya.

“May taong nagbigay sakin ng damit ng academy na iyon at sabing sabihin kong doon ka na mag-aaral,” tumindig ang balahibo ko sa sinabi nya.

“Sinong tao?,” napalunok ako matapos itanong iyon.

“Hindi ko nakita ang mukha nya pero sinabi nyang di ka nababagay dito,” humigpit ang hawak ko sa bag ko at tinanguan sya. So that must be the anynomous backer na tinutukoy ni Fox. Pero sino kaya yun?

“Sino ka ba talaga Alia? Dalawang taon na ang lumipas nang kumatok ka sa pintuan ng bahay namin at nagpakilala kang anak ng kapatid ko,” I met her gaze.

“Kaya mo ba ako di trinato ng maayos dahil di ka naniniwalang anak ako ni Gabriel Herrel?,” balik kong tanong.

“Parang ganun na nga,”   sagot nya.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon