[36] Game of Truth

1.3K 54 66
                                    

***

Spg

[Third Person]

(Scene song: All Night by The Vamps)

8:00 p.m.

Beer pong

Matapos ang kainan ay agad na may nilagay na long table si Aiella para sakanilang unang laro. Ang famous beer pong. Katulong si Rae ay pareho nilang hinanda ang mga gagamitin at hinati nya sa dalawang grupo which is boys vs girls.

At dahil nabawasan sila ng dalawa na sina Shun at June ay naging 8 boys vs. 7 girls ang labanan. Pero nagparaya si Uno kaya sya na ang magiging 'game master' para sa larong iyon.

Nang pumito si Uno gamit ang kanyang mga daliri ay nagsimula ng pumuwesto ang dalawang grupo. Ang pinakaunang player naman sa girls ay si Bianca na katunggali si Wred.

"Okay. Alam nyo naman na kung paano laruin to diba?," tanong ni Uno sa dalawa na parehong tumango.

"Every player will only have 2 balls and we will start the game...now," pagkasabi nun ni Uno ay isang ngisi ang pinakita ni Wred kay Bianca.

"I'm a gentleman so you go first," aniya na di naman tinanggihan ni Bianca at sinubukang ishoot ang hawak na bola sa naka-ayos na red cups in pyramid na may lamang alcoholic beverage.

Nang maishoot iyon ni Bianca ay isang hiyawan ang naganap at kinuha ni Wred ang basong iyon at inalis ang bola saka ininum ang laman. Basically, ganon ang rules ng larong beerpong. Ang unang makakaubos ng red cups ng kabilang grupo ay sila ang panalo. Ang huling tira naman ni Bianca ay di pumasok...kaya turn na ni Wred para ishoot ang dalawang bola sa redcups ng mga girls.

"Damn Wred!," reklamo ni Apollo dahil di nagawang maishoot ni Wred ang dalawang bola.

"Next players!," anunsyo ni Uno at agad ngang pumwesto sina Cypher at Shinoa.

"Ex lovers, get your ping pong balls and in my cue start shooting," ginawa naman ng dalawa ang sinabi ni Uno at pareho na silang may hawak sa magkabilang kamay na pingpong balls.

"Cypher don't screw it," paalala ni Apollo na di naman nilingon ni Cypher dahil na kay Shinoa ang tingin nya at ganun din si Shinoa sakanya.

Dahil dun ay pareho silang tinukso ng lahat maliban kay Alia na napailing. Binigay din naman ni Uno ang cue at unang nagshoot si Shinoa na napasok sa isang baso kaya naman ay naghiyawan ang mga girls.

"Bottoms up," ani ni Shinoa na isang ngiti ang pinakita kay Cypher at pinagmasdan nya ang pag-ubos ng laman ng basong iyon ni Cypher. Nang muling tumira si Shinoa ay di na pumasok iyon kaya nang si Cypher na ang tumira ay napasok ang dalawang pingpong balls sa baso ng mga girls. Kaya walang nagawa si Shinoa kundi ubusin ang laman ng dalawang basong iyon.

Agarang pumwesto sina Apollo at Aiella matapos ng dalawa.

"You know how I hate losing," ani ni Aiella.

"Likewise," pahayag ni Apollo.

At nag-unahan nga ang dalawa na makashoot sa mga baso na parehong walang napasok kahit isa.

"Galing mo Apollo," bungad ni Wred pagkabalik ni Apollo. Tinawanan naman iyon ni Luffy at tinapik ang balikat ng kasama.

Si Miruem at Miru naman ang sumunod sa dalawa.

"Drink moderately lil sis," bahagyang napatawa si Miruem dahil dun.

"I'm no longer your lil sis...Salvatore," sagot ni Miruem at naunang magshoot sa baso ng mga boys. Pareho namang pumasok ang dalawang tira nya kaya nagbunyi ang mga girls. 5 baso na lang kasi at mananalo na sila.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon