[43] Speaking of

1.2K 40 54
                                    

***

(Scene song: Lonely Together by Avicii feat. Rita Ora)

[Same day]
2: 45 p.m.

Pagkababa namin ni Aiella ay naabutan namin ang kadarating na Ynigos kaya napatigil kami ni Aiella. Lalabas sana kami eh.

“Saan kayo?,” tanong ni Halden sa nakakatakot na tono ng boses. Ghad. Abort mission.

“I'm meeting the organizer for the After Party. You know I'll be performing right?,” ani ni Aiella sa kapatid. Napatingin naman sakin si Halden. Ugh..ang strikto ng aura. Abort mission!

“Then go alone..Alia will stay here,” pinigilan ko ang paghinga ko hanggang sa alisin ni Halden ang tingin sakin at binaling sa kapatid.

“Geez. Seriously Halden? She's my Downline too! You can't cage her here! She's mine too!,” reak ni Aiella tapos napatingin sakin.

Ugh..what should I say? Naiintimidate ako sa aura ni Halden ngayon. Bad mood?

“No Aiella. She will stay here,” giit ng kapatid.

“Okay. Bago pa kayo mag-away ay sige na Aiella...magpapaiwan ako. It's fine. I understand Halden,” sabi ko na at natapatingin sila sakin.

Napailing naman si Aiella at napabuntong hininga na din.

“Shees. Okay. I'll go alone,” kita ko ang pag-isnab ni Aiella sa kapatid nya bago umalis.

Napatingin naman ang apat na lalaki sakin at isang malamig na tingin ang binigay ko sakanila.

“Sa kwarto lang ako,” paalam ko at di ko na hinintay na makarinig ng kahit na ano sakanila dahil nagdire-diretso na ako pataas.

Sanay naman ako noon eh. Hanggang kwarto lang ako kapag walang Parties, Business Meetings o anumang okasyon na kailangan kong magpanggap na si Mary Katherine, kaya di na big deal sakin to. Andito parin sa sistema ko yung ganung pakiramdam.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay agad na sa kama ako dumiretso. Tutal inaantok ako ay matutulog na muna ako.

Pero...ugh! Kainis! Di ako makatulog! Ang dami kong naiisip ngayon!

Kinuha ko ang cellphone at agad na dinial ang number ni Uno. Ugh. Pick it up Babe! Kanina ka pa ayaw maalis sa utak ko!

“What's going on now Uno,” mahinang sambit ko at napairap nang yung operator ang nasagot sakin.

Ghad. Bakit di sinasagot ni Uno!

Muli kong dinial ang number nya at cannot be reach na! Nako naman! Pinapakaba ako ni Uno!

“Ghad...ano bang gagawin ko,” nagpagulong-gulong ako sa kama matapos iyon at napatigil nang may marinig na katok galing sa bintana.

Agaran akong napabangon at namilog ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ni Miru.

Whaaat?

At isa pang whaaat para kay Kouen na katulad ni Miru ay nasa puno rin.

Nalipasan lang siguro ako ng gutom kaya kung anu-ano na ang mga nakikita ko. Bakit naman aakyat sa puno tong dalawa at mapapadpad dito.

Pero tuluyan akong napabangon at napalapit sa bintana nang muling katukin ni Miru iyon.

He mouthed the word open. And so I did.

Pinanood ko ang pagpasok ni Miru dito sa kwarto ko at ganun din si Kouen.

Okay....so hindi to panaginip o ano.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon