[5] Welcome to Clandestine Academy

2.5K 105 45
                                    

***

Bago pa ata tumilaok ang manok ng kapitbahay namin ay nakaalis na ako sa lungga ng mga mababait kong kasama sa bahay. Dahil unang araw ko sa Clandestine Academy ay gusto kong maging maaga. Syempre dahil absent ako kahapon ay dapat lang na di ako malate ano. Oo mahalaga sakin ang pag-aaral dahil yun lang ang tanging magiging sandata ko sa buhay. Pero sa totoo lang, maaga akong tumungo dahil gusto kong libutin ang academy na yun. Medyo naintriga ako sa mga sinabi ni June sakin.

Mabilis naman akong nakasakay ng bus dahil maaga pa nga. Ngayon ay sinigurado ko ng makakabayad ako sa kundoktor, kaya nga nang ibigay ko sakanya yung 1000 pesos ay pinandilatan nya ako.


"Wala po akong ibang pera kuya," pahayag ko. Totoo naman kasi. 5 pesos na lang ang laman ng mahiwagang pitaka ko.
Tapos ang pamasahe ay 20 dahil may aircon tong bus na sakay ko. As I said, feeling mayaman talaga ako kapag narefill na ang 'bank account' ko kuno.

Napakamot naman ng ulo si kuya konduktor na mukhang wala atang sukli.


"O sha. Libre ka na, mukhang wala ka ngang sukli maliban sa perang to," ani ng konduktor na binalik ang pera ko kaya natuwa ako! Masuwerte yata talaga ako kapag di ko nakikita ang mga pagmumukha ng mga tao sa bahay.


"Pagpalain ka ng Maykapal kuya," pahayag ko sakanya. Napatango na lang si kuya sa sinabi ko. Masaya ko namang binalik ang pera ko sa pitaka para secured ito.

"Bakit ba kasi may sumasakay pang mayayaman sa bus," napalingon ako ulit sa konduktor dahil sa narinig ko. Kumunot tuloy ang noo ko at napatingin sa suot kong uniporme.


Hmmm..marahil inakala nyang mayaman ako dahil sa unipormeng to. Sabi nga ni June na mga anak ng mayayamang businessmen at gangsters ang naroroon. Pero paano nga kaya ako napasok dun? Anong mahika ang ginamit ng bruhang yun?


Pero bakit di ko to alam? Dalawang taon na ako dito sa Greenstone City pero di ko pa yata naririnig ang skwelahang yun. Pero sabagay, yung pinasukan kong all girls ay malapit lang sa bahay namin habang yung Clandestine Academy ay nasa centro mismo ng syudad (kaya nga kailangan ko pang magbus) at minsan lang akong sumama kina Shun at June na pumunta sa downtown kaya di ko pa nakikita ang skwelahang yun.



Speaking of Shun and June. Kinuha ko yung keypad kong cellphone at tinext sila. Kahit ganito ang cellphone ko ay parati akong may load dahil may sponsor ako. Hindi si June dahil masyado na akong abusado kung pati load ay kay June ko iaasa. Actually, kay Uno galing ang load ko. Kahit wala sya ngayon dito sa Greenstone City ay di talaga yan nakakalimut na paloadan ako. Malalaman ko na lang na nagtext na yung network na nakatanggap ako ng 500 pesos load. Pero ang nakakalungkot ay di man lang yun nagrereply sa mga texts ko. Kainis na Uno talaga yun.


"O yung mga bababa sa Jelly Mall, malapit na tayo," dahil sa anunsyo ng konduktor ay naibalik ko ang cellphone ko sa bulsa at sa labas ng bus binaling ang tingin. Sa Jelly Mall kasi ako baba at maglalakad hanggang sa makarating sa Clandestine Academy. Yun kasi ang nakasabi sa binigay na school map sakin nung bruha.



Pagkatigil naman ng bus ay lumabas na rin ako at napatingin sa Jelly Mall. Kinuha ko ang school map sa bag ko para simulan na ang pakikipagsapalaran ko. At kumunot ang noo ko nang malamang sasakay pa pala ako ng tricycle dahil malayo sa kabihasnan ang skwelahang yun.



Pero bago ko gawin ang pagsakay sa tricycle ay naghanap muna ako ng bukas ng internet shop. I need to research some information. Ayokong pumasok sa Clandestine Academy na walang kamuwang-muwang. Afterall, di naman ako babalaan ni June at Shun kung di yun totoo and knowing about the gangster world---paniguradong mapapasabak talaga ako sa academy na yun.


Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon