Ending Page

1.8K 45 38
                                        

~***~

(Chapter Song: When The Story Ends by The Fray/ Piano Version)

~***~

T H I R D P E R S O N


10: 59 p.m.

Sa maulan na gabing iyon ay may nagaganap na taguan at hanapan sa pagitan ng mga taong gustong protektahan si Alia at ang mga taong gustong makuha sya para sa kalayaan ng isang tao.

“Jae...si Luffy nasaan?,” tanong ng isa sa mga miyembro ng 7th Pirates na si Dane. Ang nagmamanehong si Jae ay napahigpit ang hawak sa manebela.

“Nagpa-iwan sa CA para bantayan ang mga susunod satin,” pahayag nya. Napatango naman si Dane sa narinig.

“Kinausap mo sya diba? Pero ito parin ang ginawa nya. Di ako makapaniwalang may kaibigang ganoon si Astrid,” umigting ang panga ni Kyohei dahil sa sinabi.

Di naman nagbigay ng pahayag si Jae na binilisan ang pagtahak palabas sa syudad na Greenstone City.

“Makukuha natin si Alia,” ani ni Reed matapos ang katahimikan sa loob ng sasakyan nila.

“Di pa sila nakakalayo diba?,” tanong naman ni Bami. Tumango ang may hawak sa cellphone na si Minjoo na nagtuturo sakanila ngayon kung saang lugar naroon sina Alia at Uno dahil alam ni Jae na gagawin ito ni Alia kapag kinausap nya ito...ay naisip nyang gawin ay..... lagyan ng maliit na bagay 'locator' ang sasakyan ni Uno.

“Mukhang tumigil sila sa isang hotel...,” ani ni Minjoo.

At doon nga sila patungo ngayon.

Nakasunod naman sakanila ang isang saskayan at isang motorsiklo.

Ang hindi naman alam nila Jae ay nauna na sakanila si Luffy at malapit na sa hotel na tinutuluyan ng dalawa na kasalukuyang pinindot ang numero ni Sapphire. At sa dalawang ring lang ay agad na sumagot ito.

(“Ano na?,”) bungad ni Sapphire.

“Nasa labas na ako...,” sagot ni Luffy na itinigil ang sasakyan sa malapit sa gusali.

(“Hmmm...siguraduhin mo lang Luffy na maunahan mo sina Jae...your uncle is counting in both of us.., we need to get Alia no matter what,”) napabuntong hininga at napatango si Luffy sa pahayag na iyon.

“Nakarating ka na?,” pag-iiba nya.

(“Hmmm...,”)-Sapphire.

(“As soon as makuha mo sya. Dumiretso kayo dito,”) dagdag ni Sapphire.

“Paano si Uno?,” tanong ni Luffy. Napatigil si Sapphire sa narinig na tanong pero napatikhim din naman.

(“Uncle told me...not to let him be involved...it means..you have to convinced him...to let go Alia..,”) muling napabuntong hininga si Luffy at naiintindihan nya ang sinasabi ni Sapphire sakanya.

(“Gumamit ka ng dahas kung kinakailangan. Now get your ass out of that car and get Mary Isabella,”) tinapos ni Sapphire ang tawag na iyon na napangisi kay Luffy saka sinunod din naman iyon. Lumabas sya ng sasakyan kahit na maulan at ang tanging baon ay ang baril na handa na sa mangyayaring engkwento ngayong gabi.

“Tsss..brownout pa,” saad nya at patakbong tinungo ang hotel.

Ang mga kaibigan naman ni Alia na sina Shun at June ay nahuli na rin sawakas ang sasakyan ng 7th Pirates at pinaulanan ito ng bala ni June habang mabilis naman sa pagmamaneho si Shun. Sa madilim na daan ng syudad na iyon ay napuno ng putok ng baril at tunog ng sasakyan.

Clandestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon