PROLOGUE
Dalawang pusong nagmamahalan.
Dalawang pusong pinaglayo.
Dalawang pusong nakalimutan na ang isa't-isa.
Labis na magkaiba ang kanilang mga mundo ngunit hindi 'yon naging hadlang upang tumibok ang kanilang mga puso para sa isa't-isa.
Ang pagmamahalan nina Nathan at Amihan ay pilit na pinipigilan at hinahadlangan ng kanilang pagkakaiba.
Ang kanilang pagsasama ay agad na natuldukan dahil sa rasong hindi sila maaari para sa isa't-isa.
Ngunit paano kung tadhana na ang may nais na sila'y magsama?
Kaya pa rin ba'ng pigilan ng pagkakaiba nila ang tadhanang para sa kanila?
Lilipas ang panahon at magpapatuloy sila sa kani-kaniyang mga buhay.
Magpapatuloy kahit na magkahiwalay.
Magpapatuloy.. at magiging masaya malayo sa isa't-isa.
Patuloy pa ring sisikat at lulubog ang araw. Gano'n din ang buwan.
Ngunit darating ang araw na muling magtatagpo ang dalawang pusong tunay na nagmamahalan.
Duyog: Ang ikalawang yugto.
Ang pagpapatuloy ng kwento nina Nathan at Amihan.
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...