Chapter 20 - Mall

6 2 1
                                    

Chapter 20 - Mall

[Amihan's POV]

"Ganito ang tamang pag-aayos ng mga bulaklak. Panoorin mo."

"Hm."

Ngayong araw, dinala niya ko sa tindahan niya ng mga bulaklak at tinuruan. Kung gisto ko daw, pwede akong magtrabaho dito at gawing libangan.

"Ma'am Amelia! Anak niyo po?" May babaeng lumapit samin.

"Ah oo, si Hanna."

"Ahh. Hello!"

Ngumiti lang ako.

"Trisha."

"Hello, Trisha."

Ngumiti naman siya.

"Bakit po.. ngayon ko lang yata siya nakita? Galing pong ibang bansa?"

"Ay hindi. Galing sa malayong probinsya, lumaki siya kasama ng.. kapatid ko dahil nga kailangan kong magtrabaho dito."

"Hmm. Dito na po siya titira?"

"Oo. Magtatrabaho na rin siya dito. Oh Hanna, tignan mo. Ganito dapat."

"Hm. Nakita ko... po."

Itinuro niya rin sakin ang iba't-ibang pangalan ng mga bulaklak at ang mga presyo.

"Rose, dahlia, crysanthymum, tulip..."

"Ugh. Nakakatuwa, hindi ako nahihirapang turuan ka dahil natututunan mo agad lahat."

"Ano pa? May kailangan pa kong malaman?"

"Marami pa. Halika dito."

Nilibot niya nga ako at itinuro sakin ang iba pa.

"'Yong mga.. taong nagtatrabaho ba dito sa tindahan mo, hindi mo sila tinuturing na kaibigan?"

"Sa tindahang 'to, ako ang pinakamataas dahil ako ang may-ari. Hindi ko sila pwedeng maging.. matalik na kaibigan."

"Sa tingin ko hindi naman 'yon ang dahilan mo."

"Amih--Hanna. Sinabi ko naman na sayo na hindi tayo maaaring magkaro'n ng malalim ba ugnayan sa mga tao."

"Oo na, naiintindihan ko. Pero kailan mo ba kasi ako papayagan na lumabas at maglakad-lakad nang mag-isa dito? Kaya ko na! Minamaliit mo ba ang kakayahan ko?"

"Nag-aalala lang ako na, baka gumawa ka ng eksena na maaaring pag-usapan ng mga tao."

"Hindi mo nga yata talaga ko kilala. Kaya kong gamitin ang kapangyarihan ko nang hindi kumikilos, nang walang parte ng katawan ko ang gumagalaw. Kaya walang kahit na sino ang maghihinala na ako ang gumagawa no'n."

"Kahit na."

"Ahh! Bahala ka. Lalabas ako kung gusto ko."

"Hanna--"

"Wala naman na kasi akong ibang magawa dito kundi ang mag-aral. Ga'no katagal mo pa kong ikukulong sa bahay mo?!"

"Ssh!"

Napasarado ako ng labi. Ugh. Baka may makarinig.

"Sige sige. Para matahimik ka, ipapasyal kita mamayang hapon."

"Talaga?" Ooh!

"Oo."

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan. Ipapakita ko rin sayo 'yong iba pang mga bagay na makikita mo sa paligid natin."

"Buti naman. Buti naman! Pagkatapos no'n, papayagan mo na ba kong lumabas nang mag-isa?"

"Bakit ba gusto mong lumabas nang mag-isa?"

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon