Chapter 23 - Hiling

5 1 0
                                    

Chapter 23 - Hiling

[Amihan's POV]

"Kung gano'n ayaw mo sa kaniya?"

"Huh?"

"Kung napakatagal na panahon ka na niyang kinukulit, at hanggang ngayon kaibigan pa rin ang tingin mo sa kaniya, ibig sabihin hindi mo siya gusto, diba?"

"Ah.. hindi ko rin alam kung bakit. Sa totoo lang mabait naman siya at maalaga. Makulit nga lang, sobra. Siguro dahil.. nakapagsulat na ko ng linya sa pagitan naming dalawa."

"'Yong linyang 'yon.."

Nilingon ko siya.

"Hm?"

"Ayokong magkaro'n no'n sa pagitan nating dalawa."

"Ano?"

Ibig niya bang sabihin..

Hindi naman siya sumagot kaya sumilip na lang ulit ako sa bintana.

Nakarating kami sa.. hmm. Ano ba'ng lugar 'to?

Bumaba siya kaya bumaba na din ako.

"Nasa'n tayo?"

Inaabot niya sakin 'yong kamay niya.

Ah.. anong.. ibig sahihin no'n?

Gusto niya ba na hawakan--ugh. Hinawakan niya nga 'yong kamay ko at naglakad na.

Ahh. Nasa isang hardin kami na puno ng magagandang bulaklak at may magandang tanawin.

"Woah! Ang ganda!" Nakangiti kong sabi.

Tatakbo sana ko para lapitan 'yong mga bulaklak pero hawak niya 'yong kamay ko kaya tinignan ko siya.

Ngumiti naman siya at siya na mismo ang humila sakin papunta do'n.

"Alam mo ba na mahilig ako sa mga bulaklak?"

"Oo naman."

"Talaga? Pa'no mo nalaman?"

"May babaeng bang ayaw sa bulaklak?"

Ngumuso na lang ako at tumango tapos naglakad na kami.

"Alam mo masaya talaga ko na nakikita ko na ulit 'yong mundo sa labas ng kweba. Napakatagal na panahon na.. mag-isa lang ako at puro insekto lang 'yong kausap ko na hindi naman ako naiintindihan. 'Yong sikat ng araw pumapasok lang sa mga butas sa kweba. Kapag umuulan, sobrang lamig."

"Ako naman, sobrang saya ko na ako na ang may hawak ng kamay mo ngayon."

Nilingon ko siya.

"Isang bagay na.. matagal ko nang gustong gawin."

"Ano'ng.. sinasabi mo? Hindi pa naman tayo nagkita noon.. diba?"

Nagbuntong-hininga siya at ngumiti.

"Ayoko nang bitawan."  Tumingin siya sakin.

"Teka lang ah? Nabibigla ako sa mga.. sinasabi mo eh. Ilang linggo pa lang tayong magkakilala pero kung kausapin mo ko parang.. matagal na tayong magkaibigan."

"Kaya kitang tulungan sa lahat ng bagay na gugustuhin mo. Kaya kong ibigay sayo lahat. Kahit ano."

"Ahh..."

"Hindi ako papayag na.. magkaro'n ka nanaman ng maling desisyon."

"Ah.. teka lang, teka lang, sandali." Hinila ko 'yong kamay ko at humarap sa kaniya. "Alam mo hindi ko maintindihan kung ano'ng sinasabi mo pero.. may hinala ako sa kung ano'ng gusto mong sabihin."

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon