Chapter 13 - Picture
[Nathan's POV]
"Pa'no kung.. may nakilala pala ko noon na, nakalimutan ko na ngayon?"
"Kung nakilala mo eh di sana kilala ko din diba? Sa tingin ko, masyado ka lang talagang stressed dahil lagi kang nagfofocus lang sa trabaho. Magpakasaya ka rin kasi minsan!"
"Siguro nga."
Hay, Nathan.
Sino o ano ba ang makakatulong sayo?
Naglakad na kami palabas ng ospital.
"Hallucinations? Sabi ko sayo eh. Kakaisip mo lang 'yan."
"Ang sabi niya baka daw kapag bumalik ako sa lugar na pinuntahan ko noon, do'n ko mahanap 'yong sagot."
"Saan naman 'yon sa tingin mo?"
"Kasi.. nagsimula lang naman akong maging ganito simula no'ng natagpuan akong walang malay do'n sa rooftop ng dati kong bahay eh."
"Oh?"
"Sa tingin mo kung.. pupunta kaya ko do'n..."
"Ano namang mahahanap mo do'n?"
"Malay mo?"
"Hay alam mo pati ako napapaisip na din diyan sa kakaisip mo. Imposible naman kasi na may portion lang ng nakaraan mo na nakalimutan mo gaya ng inaassume mo."
"Wala ba'ng gano'n? Wala bang scientific explanation 'yon?"
"Ewan ko! Ano namang alam ko sa science? Mas matalino ka sakin diba?"
"Hay! Alam mo sinusubukan ko namang hindi isipin pero.. naiisip ko pa rin talaga eh."
"Siguro kailangan mo ng bagong distraction para madistract ka sa current distraction."
"Ano?!"
"Bagong distraction para--"
"Ugh. 'Wag mo nang ulitin, na-gets ko naman. Tsch."
"Alam mo tigilan mo na lang 'yan dahil baka tuluyan ka nang mabaliw sa kakaisip."
"Hindi pa ba ko baliw?"
"Baka nga? Tsch. Lika na nga!"
Mahlalakad na sana kami papuntang parking nang may makabangga akong--oh? Siya 'yong babaeng nasagasaan ko.
Nagkatinginan kami pero hindi naman siya nagsalita at naglakad lang.
Siya 'yong nagsabi sakin na--ugh.
Nilingon ko siya at sinundan. May alam kaya siya sa kung anong kababalaghan 'yong nangyayari?
O nangyari?
"Hoy Nathan sa'n ka pupunta?! Nathan!"
Hinabol ko siya.
"'Wag mo na siyang hanapin."
"Huh?"
"'Wag mo na siyang hanapin pa. Kung gusto mong mahuhay ng normal at tahimik, 'wag ka nang magtanong, 'wag mo nang alamin."
Hindi kaya.. may alam siya kaya niya nasabi 'yon?
Sino 'yong tinutukoy niya?
Sino'ng.. 'wag ko nant hanapin?
'Yong babaeng nasa malalabong eksenang nakikita ko?
Ugh. Baka nga may alam siya sa kung anong--
Teka nga.
Napatigil ako nang marealize ko kung ano'ng ginagawa ko.
Hay! Bakit ko naman siya hinahabol at bakit ko naman iniisip na may alam siya?! Sino ba siya?
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...