Chapter 9 - Apologies

5 2 0
                                    

Chapter 9 - Apologies

[Nathan's POV]

"Wendy!"

"Hello po!"

Oh?

Parang.. parang nagkita na kami dati?

Saka itong halamanan na 'to.. parang pamilyar?

Tumingin ako sa paligid at may malabong eksena akong nakita.

May babaeng kumakaway sakin pero hindi ko maaninag 'yong itsura niya.

Ugh. Ano ba'ng nangyayari sakin?

"Bakit? Bibili ka ng halaman?"

"Ah opo, lumipat na kasi ako sa condo unit malapit sa trabaho. Eh.. gusto ko sanang maglagay ng mga halaman do'n para maganda."

"Oh sige pumili ka na."

"Ah si Nathan po pala, ka-office mate ko."

"Oh hello, hijo!"

"Good afternoon po."

"Hm. Sige maiwan ko muna kayo, may gagawin lang ako saglit do'n sa loob."

"Sige po." Ngumiti siya at pumasok na.

Tinignan naman ako ni Wendy.

"Pumili ka baka--okay ka lang?"

"Huh?"

"Bakit nakatulala ka diyan?"

"Para kasing nakita ko na siya saka parang.. nakapunta na ko dito dati."

"Baka naman nakapunta ka na talaga, hindi mo lang maalala. Halika, dito tayo."

Hinila na niya ko.

"Pumili ka."

"Bakit ako?"

"Ikaw na. Para kapag tinignan ko 'yong halaman na 'yon ikaw 'yong maaalala ko kasi ikaw 'yong pumili."

Tumingin-tingin na lang din ako.

Sa kakakulit niya, ako na lang nga 'yong namili ng mga halaman.

"Ayan, may discount na 'yan ha?" Sabi no'ng may-ari.

"Thank you po!"

Naglakad na kami at bumalik sa sasakyan.

"Ayan! Maganda nga 'tong napili mo, bagay 'tong ilagay do'n sa bintana, diba?" Nilingon niya ko. "Ano ba'ng iniisip mo?"

"Huh?"

"Okay ka lang? Ano, nalulugkot ka rin ba'ng tumingin sa mga halaman?"

Ngumiti lang ako at umiling tapos nag-drive na pabalik sa condo.

"Ayan, ayan! Bagay siya dito. Tapos 'yong isa, dito. Ito naman.. sa bintana. Ayan! Perfect!" Tumingin siya sakin at ngumiti. "Parang masyadong tahimik dito 'no? Siguro dapat lagi akong magpatugtog para hindi ko maramdaman na mag-isa ko."

"For four years, mag-isa lang akong nakatira sa dati kong bahay."

"Talaga?"

"Hm. Mas malapit kasi sa school 'yon."

"Ahh. Sanay ka palang mag-isa."

Natawa ko. Hindi ko alam kung may halo bang pang-aasar 'yon.

"Anyway, mas magiging convenient na sakin dahil mas malapit na ko sa office."

"Hm. Mababawasan 'yong pagod mo sa biyahe."

Monday, nag-aalmusal kami ni Lola, bigla nanamang pumasok sa isip ko 'yong mga weird na nangyayari.

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon