Chapter 22 - Linya
[Amihan's POV]
"Wala kang karapatan na paalisin ako dito. Nauna ko."
"Pero nandito na ko."
"Ano bang ginagawa niyo?" Sabi ko pero hindi nila ko pinapansin.
"Hindi mo siya pwedeng pilitin sa bagay na ayaw niya."
"Huh! Amihan!" Sabi ni Adlaw.
"Bakit ka ba sumisigaw?! Isa pa, hindi Amihan ang pangalan ko sa lugar na 'to. Hanna. Kailangan mong mag-ingat dahil baka may makarinig sayo."
"Ahh! Wala akong pakialam. Mamasyal tayo bukas. Tayong dalawa lang."
"Ano?"
"May plano na kami. Pumayag na siyang mamasyal kaming dalawa bukas." Sabi naman ni Lakan. "Hindi ba, Amihan."
"Ahh.."
Nagtinginan naman sila.
Hay, ano ba'ng nangyayari sa dalawang 'to?
"Adlaw."
"Hm?" Nilingon niya ko nang nakangiti.
"May plano na kasi kami ni Lakan para bukas. Matagal na niyang balak 'yon. Ang sabi niya kasi, ipapasyal niya ko."
Tinignan niya lang ako.
"Pwede bang sa ibang araw na lang? Pagbibigyan din kita pero sa ibang araw naman, huh?"
"Tsch. Sige! Papayag ako. Pangako 'yan ah?"
"Hm. Pangako."
"Pero dadalawin pa rin kita dito kung kailan ko gusto. Hindi ka pwedeng magreklamo."
Tumawa na lang ako at sa wakas, umalis na din sila.
Pero pagkasara ko pa lang ng pintuan, may kumatok nanaman. Sino naman ba 'to?
Binuksan ko at.. ugh.
"Ano ba 'yon, bakit? May nakalimutan ka ba?"
Si Adlaw.
"Kakarating ko lang, paalisin mo na agad ako? Sa tagal nating hindi nagkita, ayaw mo man lang ba kong makausap?"
"Ano ba kasing pag-uusapan natin?"
"Marami! Hindi mo man lang ba ko papapasukin?"
Tinignan ko lang siya at kusa na siyang pumasok.
"Aah. Dito ka pala tumutuloy." Nilingon niya ko. "Hindi ka ba talaga na makita ako?"
"Masaya. Syempre masaya, ano ka ba?"
Naupo siya at naupo naman ako sa harap niya. Saktong dumating si Amelia na nagulat nang makita si Adlaw. Binati niya rin siya.
"Hindi mo man lang ba ko pupurihin na nagawa kitang hintaying ng napakahabang panahon?"
"Ah talaga? Pero sabi skain ni Luna, ilang diwata na daw ang pinaasa at pinaiyak mo."
"Dahil nga hindi sila ikaw."
"Ugh."
"'Wag kang mag-alala, hindi ko gagawin 'yon sayo."
"Pwede bang ibang bagay na lang 'yong pag-usapan natin at 'wag mo na kong bolahin?"
Tumawa siya.
"Sino'ng kasama mo dito?"
"Si Amelia. Isang mababang diwata ng kakahuyan. Ibinigay siya sakin ng punong diwata upang tulungan ako dito sa lugar ng mga tao."
"Hmm. Kaya pala pinupuntahan ka ni Lakan."
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasíaDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...