Chapter 18 - Tiwala
[Amihan's POV]
Kinabukasan paglabas ko ng kwarto, nagulat ako dahil may matandang babae na nandito.
Sino siya at paano siya nakapasok dito? May iba ba kaming kasama ni Amelia sa bahay na 'to?
"Ugh?! Sino ka?!"
"Ahh.. pasensya na. Hindi ko nabanggit sayo. Ito ang anyong ginagamit ko sa lugar na 'to."
"Huh? Ah! Amelia?"
"Oo."
"Ahh."
Nakakapagbago nga pala siya ng itsura dahil isa siyang diwata ng kakahuyan.
"Nagugutom na ko. Meron bang makakain dito?"
"Oo naman. Mag-aasikaso na ko ng almusal."
"Sige. Ah ano namang gagawin natin ngayong araw?"
"May ilang bagay na kong ituro sayo."
Tumango ako at napakamot sa makating parte ng leeg ko.
"Ano 'yan?"
"Ang alin?"
"'Yong nasa daliri mo."
"Ahh ito?" Tinignan ko. "Singsing. Pero hindi ko alam kung saan 'to nanggaling."
"Akin na."
"Ano?"
Ugh?
"Hubarin mo."
"Ayoko nga!"
Ano ba'ng ginagawa niya? Bakit naman niya gustong kunin 'to?
Lumapit siya at hinawakan 'yong kamay ko. Ugh?
Nilayo ko naman agad.
"Ano ba'ng ginagawa mo? Sinabi nang ayoko eh."
"Pero hindi mo--"
"Ayoko! Ayokong hubarin 'to."
Bakit ba? Ano ba'ng problema niya sa singsing na 'to?
"Pero hindi bagay sayo..."
Ahh.
"Ano? Talaga?" Tinignan ko 'yong singsing. Hmm. "Sige. Sige huhubarin ko. Pero hindi ko 'to ibibigay sayo."
Tinanggal ko na sa daliri ko.
"Kasi sakin 'to. Itatago ko 'tong singsing at hindi mo pwedeng kunin sakin. Naiintindihan mo?" Sabi ko habang hawak 'yon at ipinapakita sa kaniya.
Tumango naman siya.
"Kapag nawala 'to, ikaw lang ang pagbibintangan ko dahil tayong dalawa lang naman ang nasa bahay na 'to, at ikaw lang ang nakakita nito."
Pumasok ulit ako sa kwarto at itinago 'yon.
Pumunta ko sa kusina habang nagluluto siya.
May bintana sa kaliwa mula sa kinauupuan ko kung saan natatanaw ko ang labas ng bahay.
"Ano naman ang.. ginagawa mo sa lugar na 'to?"
"Mayroon akong tindahan ng mga bulaklak."
"Talaga?"
"'Yon ang kinabubuhay ko."
"Bakit mo naman kakailanganin ng bulaklak para mabuhay?"
"Sa lugar ng mga tao, kailangan mo ng pera. Para sa kanila, isa 'yon sa mga pinakamahahalagang bagay sa mundo. Makukuha mo lang 'yon kung magtatrabaho ka."
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...