Chapter 3 - Pinky promise

6 2 0
                                    

Chapter 3 - Pinky promise

[Wendy's POV]

Hi! I am Gwendolyn Barrameda! 21 years old, pursuer of dreams!

Just call me Wendy, for short.

Si Wendy na patay na patay kay Nathan. Hah! I will make him fall for me!

So ito nga, no'ng una ko pa lang siyang nakita, para ko nang nakita ang future husband ko.

Sobrang gwapo niya kasi! As in, ideal guy based on looks! But hello? Sobrang gwapo din ng personality niya.

Matalino, gentleman, mabait.. hay. Basta, siya 'yong tipo ng lalaking wala ka nang ibang hahanapin pa.

Mukhang wala naman siyang girlfriend eh. Kaya okay lang siguro kung lapit-lapitan ko siya.

No'ng araw na 'yon, sobrang na-mesmerized ako.

Nagbabasa ako ng reviewer ko para sa interview nang mapaling ang atensyon kp sa isang gwapo at matangkad na lalaking nakatayo sa isang gilid.

Ugh. Bihira ako makakita ng ganyan kagwapo sa suit!!! Ugh wait hindi ko kaya.

Kailangan ko siyang makausap!

Dahan-dahan akong lumapit pero.. anong sasabihin ko?

Paano kung... i-seen zoned niya lang ako? Hay hindi naman siguro siya suplado 'no?

Go Wendy. Step up!

Nag-clear muna ko ng throat.

"Ah.. excuse me?" Sabi ko.

"Yes?" Ang gwapo din ng boses niya!! Ano ba?!!

"Ahh.. nagkita na ba tayo dati?" Okay, pwede na siguro 'yon? At least.. nakapag-start ako ng conversation, diba?

He tilted his head to think. Oohh cute!! Kainis!

"I... think hindi pa. Bakit?"

"Ah.. hehe. Wala lang. Ha-ha."

Ngumiti siya--ohmygod!! Bakot ka ngumiti?!! Wooh!

"By the way, I'm.. Wendy and no.. I do not own a fastfood chain." Lagi kasi akong inaasar dahil sa nickname ko.

We laughed. Uuyy natawa siya, natawa siya! And I'm not even joking ha!!

Nag-shake hands kami. Ohmygghhagzhha!!

"Nathan."

The whole time, nakangiti lang ako at nakatingin sa kaniya.

Hay napakahina ko talaga pagdating sa ganito.

I think I like him.. to the highest level!

Simula nga no'n, lagi ko na siyang kinukulit dahil gusto kong lagi ko siyang nakikita at nakakausap.

Fortunately, nakapasa kaming dalawa sa interview at ngayon, magkasama ba kami sa trabaho. This is destiny!!

Para ko nga siyang nililigawan. Kasi.. lagi akong nagdadala ng pagkain tapos binibigay ko sa kaniya with sticky notes pa to cheer him up.

Nakikita ko namang napapangiti siya kapag nakikita niya 'yon.

Sana lang hindi siya naiinis sa kakakulit ko.

"Wendy!"

Naglalakad ako nang bigla niya kong tinawag. Ngumiti agad ako at lumingon.

"Yes?"

"Ah.. you know, you don't actually need to do this everyday."

"No, it's okay! Gusto ko naman talagang gawin 'yon. Bakit, hindi ba masarap? Napapangiti ka nga eh. Ugh sorry. Nakakairita na ba?"

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon