Chapter 16 - Muling paglaya
[3rd Person's POV]
Lumipas na ang isang taon. Tuluyan na nga nilang nakalimutan ang isa't-isa.
Tuluyan na silang nagkalayo.
Kinabukasan pagkatapos ng gabing nangyari ang paghihiwalay nila, nagising si Amihan sa loob ng kaniyang kweba na wala nang kahit na anong naaalala tungkol kay Nathan.
Nagising siya sa ingay ng mga turistang dumadaan sa kweba.
"Ito pala 'yong sikat na kweba ni Amihan 'no?"
"Totoo ba talaga siya?"
"Ewan ko."
"Sana.. makapasa ko sa tests namin next week."
"Sana sagutin na ko ng nililigawan ko."
"Sana manalo na kami sa lotto."
"Ugh. Aah ang ingay!" Umupo siya. "Hindi naman ako tumutupad ng mga kahilingan 'no! Tsch." Napatakip na lang siya ng tenga at hinilamos ang kamay sa kaniyang mukha.
"Ah!" Naramdaman niyang may kung ano sa kamay niya na tumama sa pisngi niya kaya naman tinignan niya.
"Ooh. Ano 'to?"
Inalayo niya pa 'yong kamay niy at tinignan 'yon ng maayos.
Napapaisip siya kung paano napunta 'yon sa daliri niya, pa'no siya nagkaro'n no'n, o pa'no niya 'yon nakuha.
Sinusuri niyang maigi ang singsing at pilit na inaalala kung saan nanggaling 'yon pero wala siyang matandaan.
Sinusubukan niya ring tanggalin pero nagdesisyong 'wag na lang dahil nagagandahan naman siya dito.
"Ang ganda." Sabi niya nang nakangiti pa at nagpunta sa likod ng malaking bato na nakaharap sa lagusan ng kweba.
Mula doon ay sinsiilip niya ang mga taong tumitigil at dumadaan sa harap ng kweba.
Natatakam na siya sa mga pagkaing dala nila dahil nakakaramdam na siya ng gutom.
"Ugh. Gutom na ko. Wala bang magbibigay ng--oh!" May ilan na nag-iwan ng pagkain sa harap ng kweba.
Hinintay lang niya na makaalis sila bago niya lapitan at kunin.
Naupo siya sa isang gilid at masayang kinain ang pagkaing binigay ng turista.
"Hmm! Ang sarap nito! Bakit parang natikman ko na 'to dati? Waah! Ang sarap! Hmm!"
Matapos kumain ay nahiga ulit na hinihimas-himas pa ang tiyan.
Inangat niya ang kaniyang kamay na tumatakip sa butas ng kweba kung saan tumatagos ang sinag ng araw. Tinitignan niya ng singsing.
"Saan kaya galing ang magandang bagay na 'to? Bakit nalulungkot akong tignan ka.. kahit ganyan ka kaganda?"
Ipinikit niya pa ang isa niyang mata para makita 'yon ng maayos.
Hinayaan na lang niya sa daliri niya ang singsing.
Ibinaba na niya ang kamay niya at huminga ng malalim.
"Hay. Gaano katagal ko pa ba kailangang makulong sa lugar na 'to? Ayoko na. Gusto ko nang makalaya at tumakbo--ugh. Hindi pa ba sapat ang mahabang panahon na 'yon?"
Sumilip siya sa butas sa gilid ng pader ng kweba. Natanaw niya ang mga batang estudyanteng palapit at ngumiti.
May tatakutin nanaman siya.
Umihip siya mula sa butas na 'yon kaya naman humangin ng malakas sa labas at nagsilaglagan ang nga sanga. Nagsitakbuhan palayo ang mga estudyante.
Paulit-ulit lang ang ginagawa ni Amihan araw-araw. Nakabalik na siya sa kulungan niya nang walang naaalalang minsan siyang nakalaya.
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...