Chapter 21 - Manliligaw

6 1 0
                                    

Chapter 21 - Manliligaw

[Amihan's POV]

Pumunta nga kami sa isang kainan.

Hmm! Ang bango! Lalo akong nakaramdam ng gutom!

Napatingin ako kay Mikael na nakatingin naman sakin.

Ugh. Bakit niya ba ko tinitignan?

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko.

"Sa susunod na araw na gusto mong mamasyal, pwede kitang samahan."

"Talaga?!" Nakangiti kong sabi.

"Hm."

"Okay!"

Ngumiti siya.

Tumingin ako kay Amelia.

"Narinig mo 'yon ah?" Hindi naman siya makakatanggi pa.

Ang sarap ng pagkain! Ang dami ko ring nakain at sobrang nabusog ako.

"Woah. Ang sarap no'n."

"Marami ka pang ibang pagkain na matikman sa lugar na 'to. Ah. Akin na 'yong cellphone mo."

"Huh?" Inabot ko naman sa kaniya tapos may ginawa lang siya do'n at binigay ulit sakin.

"'Yan 'yong cellphone number ko. I-save mo. Nakuha ko na rin 'yong number mo."

Ipinakita niya sakin 'yong cellphone niya.

Ahh. Tinawagan niya.

"Kung may problema, pwede mo kong tawagan."

"Hm--teka. Kapag may problema lang? Hindi ba kita pwedeng tawagan kapag.. gusto kong may makausap?"

Tumawa siya.

"Tawagan mo ko kung kailan mo gusto."

"Talaga? Tsch. Sige."

Sa paglipas ng mga araw, abala pa rin ako sa pag-aaral. Hay, ga'no karaming bagay pa ba ang kailangan kong aralin?

"Ugh."

"Hanna!"

"Hm?"

"Hanna?"

"Ano ba 'yon?"

"May bisita ka."

"Sino namang bibisita sa--" Lumingon ako. "Oh?"

Si Mikael.

Ngumiti siya at ngumiti din ako tapos naupo siya sa harap ko.

"Mukhang seryoso ka sa mga inaaral mo ah?"

"Sabi ni Amelia kailangan ko daw malaman lahat ng 'to."

May inilapag siya sa lamesa.

"Ano 'yan?"

"Pagkain."

"Woah!"

Iginilid ko lahat ng gamit para kumain muna kami.

"Buti naman. Nakakapagod mag-aral eh."

Kumain na nga kami.

"Salamat dito ah?"

"Kelan mo nga pala gustong mamasyal?"

"Ah! Oo nga pala! Hmm. Bukas?"

"Bukas?"

Tumango ako.

"Sige."

Ngumiti naman kami.

"Hay alam mo buti na lang pumunta ka para dalawin ako at magbigay ng pagkain. Nakakagutom talagang mag-aral eh."

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon