Chapter 14 - Sino si Ami?
[Wendy's POV]
Mula dito sa table ko, sinusulyap-sulyapan ko si Nathan.
Hay bakit kahit ang seryoso siya sa mga gjnagawa niya, ang gwapo pa din?
"Uy, matunaw naman 'yan." Siniko ako ni Lian. Friend ko siya na 2 years na dito.
"Bakit gano'n? Imposibleng may taong gano'n ka-perfect diba?"
"Perfect siya sa paningin mo kasi gusto mo siya. Ano ba?"
"Hay. Ano ba'ng gagawin ko para magustuhan niya ko?"
"Be yourself!"
"Ginagawa ko naman! Pero mukhang.. mahirap talaga. Wala ka bang maiaadvice diyan?"
"Lagi mo siyang pinapansin?"
"Syempre."
"Lagi mo siyang kinakausap?"
"Oo naman. Bakit hindi?"
"Sanay kasi siya na nandiyan ka. Iwasan mo."
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Kapag bigla kang nawala o umiwas, magtataka siya. Hahanapin ka niya. Marerealize niya na may kulang kapag wala ka."
"Ahh."
"Subukan mo kaya 'yon?"
"Effective ba 'yon?"
"Oo naman!"
"Pa'no mo naman nalaman?"
"Ano ka ba? Hindi ka ba nanonood ng mga dramas? Gano'n 'yon."
"Pero.. baka hindi ko kaya. Alam mo naman ako diba?"
"Hay eh ano'ng gagawin mo? Ah! Ah!"
"Ano 'yon?"
"Akitin mo."
"Huh?"
"Akitin mo! Magsuot ka ng mga sexyng damit, magpasexy ka, magpa-manicure ka with crystals.. gano'n."
"Hindi mo ba napapansin?"
"Ang ano?"
"Matagal ko nang ginagawa 'yon."
"Talaga?"
"Ugh."
"Teka, sigurado ka bang.."
"Ano?"
"Hindi ba siya bakla?"
"Ugh! Hoy! Tumigil ka nga diyan! Hindi 'no! Positive ako na hindi."
"Pa'no ka naman nakasiguro? Oy may mga beki na nagpapanggap na lalaki ha! Nagtatago pa!"
"Lian--"
"Eh sa tagal mo na siyang inaakit, kaibigan pa rin 'yong tingin niya sayo? Baka naman kasi lalaki din 'yong hanap niya?"
"Hoy!"
"O baka naman.. hindi pa siya makamove on do'n sa ex niya?"
"Ex?"
"Hm. Kung hindi siya beks, baka 'yon ang dahilan?"
"Hmmm. Wala naman kasi siyang nababanggit sakin. Ah! Tatanungin ko si Sed."
"Ayun naman pala. Tanungin mo 'yong bestfriend niya dahil mas may alam 'yon tungkol sa kaniya. Pero kasi alam mo.."
"Oh?"
"Maganda ka naman, sexy, matalino, ma-poise, mabait! Pero bakit.. diba?"
"Hay hindi ko rin nga alam eh."
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...