Chapter 27 - Ami Sandoval

6 1 0
                                    

Chapter 27 - Ami Sandoval

[Amihan's POV]

Lumbas nga ako dala 'to at nang mailapag ko na sa gilid, may tumawag sakin.

"Hanna!"

Ah! Si Lakan.

Nginitian ko siya,

"Snatcher! Hoy! Snatcher 'yan! Kinuha 'yong bag ko! Pigilan niyo!"

Hm? May lalaking tumatakbo palapit dito.

"Pigilan niyo! Pigilan niyo 'yan!"

Hay. May gumawa nanaman ba ng gulo?

Tumayo ako para harangan sna siya pero nang makalapit siya sakin..

"Ugh--"

Ahh!

S-Sinaksak niya ko sa tiyan.

Nagkatinginan pa kami bago siya tumakbo palayo. Hah! Nabigyan na kita mg basbas ng kaparusahan!

"Hanna!"

Nanlalabo na 'yong paningin ko.

Hay! Ano ba'ng ginawa sakin ng isang 'yon?! Lagot siya sakin!

"Hanna!"

Nagising ako na nasa.. hmm hindi ko alam kung nasa'n ako.

Teka nga, nawalan ako ng malay?!

Nilibot ko 'yong paningin ko at pagtingin ko sa kanan ko, may isang lalaking nakatalikod. Sino 'yon?

Kinurap-kurap ko pa 'yong mga mata ko.

Humarap siya at.. ah! Si Lakan!

"Oh, gising ka na."

Uupo sana ko pero sumakit 'yong sugat ko.

"Ah!"

"Oh. Dahan-dahan." Inalalayan niya kong makaupo. "Ayos ka na?"

"Hm. Medyo.. masakit lang pero mawawala din naman 'to." Naalala ko 'yong nangyari kanina. "Hay! Lagot sakin 'yong taong 'yon kapag nakita ko siya! Puputulin ko talaga 'yong mga kamay niya!!--ah!"

Natawa siya.

"Okay na. Nahuli siya ng mga pulis."

"Di bale, nabasbasan ko naman siya ng kaparusahan bago siya makatakbo. Ah.. nasa'n nga pala ko?"

"Sa bahay ko."

"Ahh sa bahay--ano?!"

Ngumiti siya.

"Dito na lang kita dinala imbes na sa ospital. Nakalimutan mo na ba? Doktor naman ako eh."

"Ugh. Salamat ah? Saka pasensya na kasi naabala pa kita sa nangyari."

"Wala 'yon. Hindi mo naman kasalanan eh."

Tumingin ako sa paligid.

"Ahh. Diro ka pala nakatira. Ang ganda ng bahay mo ah? Kung sabagay, marami ka na sigurong pera."

"Inumin mo muna 'to."

Binigyan niya ko ng tsaa. Ito pala 'yong tinitimpla niya kanina.

"Salamat. Ah, ano nga palang ginagawa mo do'n kanina?"

"Wala. Pupuntahan lang dapat kita."

"Hmm. Alam ba ni Amelia 'yong nangyari?"

"Oo. Lumabas sila ng tindahan no'ng nakita nilang may nagkakagulo tapos nakita ka niya."

Tumango ako at uminom ng tsaa.

"Ah!"

"Oh mainit 'yan."

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon