Chapter 10 - Happy Birthday Wendy

4 2 0
                                    

Chapter 10 - Happy Birthday Wendy

[Nathan's POV]

Sabay-sabay kaming nag-lunch nina Sed at Wendy.

"Eh gago naman kasi siya 'no. Bakit naman mamimilit siya ng babae ha? Eh ayaw nga sa kaniya." Sabi ni Sed.

"Baka naman kasi simula pagkabata, kulang siya sa pansin."

"Bakit naman kasi hindi ka lumaban? Sana sinampal mo." Sabi pa ni Sed.

"Ugh. Eh.. ewan. Natakot ako eh. No'ng oras na 'yon na-blangko 'yong utak ko hindi ko alam kung anong gagawin ko. Buti na lang talaga dumating si Nathan."

"Wooh. Ganyan talaga 'yang kaibigan ko 'no! Kaming dalawa actually. Kasi kung ako 'yong nakakita no'n syempre gano'n din 'yong gagawin ko!"

Ngumiti naman si Wendy.

"Alam mo dapat talaga sibakin na lang 'yon eh. Hindi siya bagay dito."

"Hmm! Ang sarap nito!" Sabi ni Wendy. Napatingin naman ako sa kaniya kasi parang.. parang nangyari na 'to?

"Bakit?" Tanong niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya.

"Nangyari na ba 'to dati?"

"Huh?" Sabay nilang tanong.

"Ah wala, wala kalimutan niyo na."

Kumain na lang ulit ako.

Ayan, ganyan. May mga ganitong pagkakataon na may mga deja vu. Normal lang naman 'yon diba? Hindi naman siguro ako nababaliw?

Friday. Birthday ni Wendy.

Bumili ako kahapon ng kwintas na ireregalo ko sa kaniya. Bilang surprise, inabangan ko siya ngayong umaga sa harap ng condo para sunduin.

Nakasandal ako sa kotse at naka-cross arms habang hinihintay na bumaba siya.

Hay bakit ang tagal niya? Papasok ba siya ngayon? Tawagan ko na kaya?

Ay hindi. Kapag tinawagan ko siya, hindi na siya masu-surprise.

Ayan na! Nakikita ko na siyang naglalakad palabas.

Tignan natin kung ano'ng magiging reaksyon niya. Hahaha!

Masaya siyang naglalakad. Hindi man lang ba niya ko napapansin ha?

"Hoy, Gwendolyn!"

Napatigil siya at napatingin dito. Nanlaki naman 'yong mga mata niya at napanganga nang makita ako.

Kinawayan ko siya pero gulat na gulat siya na nandito ako.

Nagmamadali naman siyang tumakbo palapit sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Oh bakit?" Natatawa kong tanong.

"Ugh?"

"What?" Hahahaha!

Tinusok niya ko sa pisngi.

"Ikaw ba talaga 'yan? Hindi ba ko nagha-hallucinate?"

"Huh?"

"Anong ginagawa mo dito sa tapat ng.. ugh! Bakit nandito ka?!"

Natawa ko.

"Because.. it's your birthday?"

Napangiti siya.

Ngumiti din naman ako.

"Happy birthday."

Ngumiti lang siya.

"Wait lang."

"Hm?"

Tumalikod siya at tinadyak-tadyakan 'yong sahig. Hahaha! Ano namang ginagawa niya?

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon