Chapter 8 - Bagay na bagay
[Nathan's POV]
"Nathan, salamat talaga. Sobrang natakot ako sa kaniya kanina, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko buti na lang.. dumating ka." Tumingin siya sakin. "Pwede bang dito ka na lang sa tabi ko? Pwede bang hindi ka na umalis? Pakiramdam ko kasi ligtas ako kapag nandiyan ka."
"Wendy.."
Yumuko siya.
"Sobrang gusto kasi talaga kita. Araw-araw lalo lang tumitindi 'yon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para.. magustuhan mo rin ako."
Tumingin siya sakin at ngumiti.
Nakatingin lang naman ako sa kaniya.
Tapos bigla niya kong hinila palapit at.. hinalikan.
Ugh. Ano ba'ng ginagawa niya?
Pero ano ba'ng.. nangyayari? Ano 'yon? Bakit parang may malabong eksena akong nakita?
Sa dati kong bahay.. may babae ding.. humalik sakin.
Ano 'yon? Sino 'yon?
Lumayo na siya at umiwas ng tingin.
"Sorry." Sabi niya.
Hay.
Hinatid ko na siya sa bus stop at hinintay na makasakay ng bus. Umuwi na rin ako.
Kinabukasan.
"Oh?! Napa'no 'yan bakit may sugat ka? Nakipag-away ka ba ha?" Tanong ni Lola habang nag-aalmusal kami.
"Hindi po. Na.. laglagan lang ako ng mga folders sa office."
"Nalaglagan ng mga folders? Tapos ganyan?"
"Maraming folders."
"Ugh. Oh, aalis ka ba ngayon?"
"Ah.. sasamahan ko si Wendy na maglipat do'n sa condo unit niya."
"Hmm. Mukhang.. napapalit ka na sa kaniya ah?"
"La gusto ko lang siyang tulungan. Wala naman kasing ibang tutulong sa kanila ng Mama niya dahil wala siyang Tatay."
"'Yon lang ba talaga?" Tinignan ko siya. "Eh baka naman kasi, gusto mo na rin siya, ayaw mo lang aminin sa sarili mo."
Si Lola talaga.
Hindi naman gano'n.
Siguro?
Pumunta nga ko do' sa condo at naabutan ko sila na tinutulungang magbaba ng mga gamit do'n sa truck.
Lumapit ako at tinulungan sila.
"Oh? Nathan!" Nakangiti niyang sabi nang makita niya ko.
"Hi."
"Ah!" Hinila niya 'yong mama niya palapit. "Ma, si Nathan po. 'Yong.. kinukwento ko sayo na katrabaho ko."
"Ah.. hello po. Good morning po, Tita."
"Hmm. Good morning. Thank you sa pag-volunteer mong pagtulong sa paglilipat ng mga gamit ni Wendy ah? Buti nakarating ka."
"Ah.. opo. Wala po 'yon."
"Teka, napa'no 'yang mga sugat mo? Nakipag-away ka ba?"
"Ah.. hindi po--"
"Naku! Napaka-gwapo na, napaka-bait pa. Tama nga 'yong mga sinasabi nito ni Wendy."
Ngumiti lang ako.
"Naku, paano, ikaw lagi ang bukambibig nitong anak ko. Si Nathan ganito, si Nathan ganyan. Mukhang walang ibang ginagawa 'yan sa trabaho buong araw kundi ang magpa-cute sayo, ano?"
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...