Chapter 1 - Singsing
[Nathan's POV]
"That's a very good presentation, Nathaniel."
"Ugh. Thank you. Nathan na lang po."
Natawa siya at nakipagkamay sakin bago umalis.
"Congrats Nathan! Ang galing!"
"Thank you."
"Congratulations on your successful presentation."
"Thank you sir."
Binabati nila kong lahat pagkalabas ng conference room pagkatapos ng meeting na ako ang nagpresent.
"Dude! Congrats!" Sabi ni Sed and nag-high five kami. Magkasama pa rin kami sa trabaho.
One year ago na simula no'ng grumaduate kami ng college at kinukulit niya ko na gusto niya daw magkasama kami sa trabaho.
"Thanks! Ikaw naman next week! Good luck!"
"Ako pa! Ano? Kain tayo! Nakakagutom eh!"
Pumunta kami sa isang cafe to eat. Nakakapagod at nakakagutom nga naman kasi 'yong ginawa ko.
"Saan mo pala nakuha 'yong sponsors na 'yon?"
"Syempre tinulungan ako ni Lola."
"Hay Lola's boy ka talaga!"
Tumawa na lang ako.
"Anyway, malapit na 'yong first anniversary namin ni Ella, ano ba'ng magandang gawin?"
"Bakit ako tinatanong mo?"
"Syempre kaibigan kita! Baka naman may suggestion ka diyan?"
"Wala."
"Hay feeling ko tatanda ka nang binata."
"Agad? Ayoko pa nga kasi. Magtatrabaho muna ko."
"Pwede namang pagsabayin ah? Bakit ako? Ang sabihin mo, hindi ka pa rin makamove on kay Gianna."
"Ano?"
"Eh sa daming beses kang nireject no'n tapos ngayon boyfriend na niya 'yong lalaking hinahabol-habol niya no'ng college, hindi na ko magtatakang bitter ka."
"Tsch. Tumigil ka nga. Hindi 'no. Okay naman na sakin 'yon."
"Tsch. Ewan ko sayo. Patusin mo na kasi 'yong blind date na pinipilit ng Lola mo."
"Ayoko nga kasi ng gano'n. Tumigil ka na nga. Mas concern ka pa sa lovelife ko kaysa sakin eh."
Tumawa lang siya.
"Ah! Si Wendy! Ayaw mo ba talaga sa kaniya?"
"Gusto ko naman siya.. bilang kaibigan."
"Hay naku, patay na patay sayo 'yong tao. Gustong-gusto ka no'n!"
"Okay naman siya saka.. I really care for her."
"Oh eh bakit hindi mo pa ligawan? Pinapaasa mo lang?"
"Hindi 'no."
Speaking of Wendy, tumatawag siya.
"Oh ayan, sige lang, sagutin mo muna." Sabi ni Sed.
"Oh Wendy."
"Nathan! How's the presentation? Sayang, hindi ako nakapunta. Marami kasing pinagawa sakin eh."
"It's okay. Ayos naman, it went really well and, natuwa naman sila."
"Wow! As expected from you. Dahil diyan, sumama ka sakin mamaya after work."
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...