Chapter 17 - Amelia

7 2 0
                                    

Chapter 17 - Amelia

[Amihan's POV]

"Ito pala 'yong sikat na kweba ni Amihan 'no?"

"Totoo ba talaga siya?"

"Ewan ko."

"Sana.. makapasa ko sa tests namin next week."

"Sana sagutin na ko ng nililigawan ko."

"Sana manalo na kami sa lotto."

"Ugh. Aah ang ingay!"

Bakit ba kasi pumupunta sila dito para mag-ingay at humiling?

Naupo ako.

"Hindi naman ako tumutupad ng mga kahilingan 'no! Tsch." Hindi ba nila alam? Hindi ba talaga nila alam? Hay.

Nagtakip ako ng tenga dahil sa ingay nila at ihinilamos 'yong mga kamay ko sa mukha ko.

"Ah!"

Ano ba 'to?.

"Ooh. Ano 'to?"

Oh? Singsing? Saan galing 'to? Bakit may suot akong ganito?

Inilayo ko 'yong kamay ko sakin at tinignan 'yon ng mabuti.

Hmm. Hindi ko matandaa kung saan ko nakuha 'to.

Ugh. Tanggalin ko na nga lang--ahh. 'Wag na. Maganda naman. Sayang.

"Ang ganda." Ngumiti ako.

Nagpunta naman ako sa likod ng malaking bato sa tapat ng lagusan ng kweba kung saan nakikita ko ang mga taong dumadaan at nagpupunta dito.

Ah~ nagugutom na ko.

Mukhang masasarap 'yong mga pagkaing dala nila.

Hindi lang ba nila ko bibigyan?

"Ugh. Gutom na ko. Wala bang magbibigay ng--oh!"

Oh! May iba na nag-iwan ng pagkain. Ah~ mabuti naman!

Oh sige na, umalis na kayo. Nagugutom na ko, kailangan ko nang kainin 'yan!

Nang makaalis sila, mabilis akong pumunta do'n at kinuha 'yong pagkain.

Woah!

"Hmm! Ang sarap nito! Bakit parang natikman ko na 'to dati? Waah! Ang sarap! Hmm!"

Hay! Busog na ko!

Nahiga ako at naghimas pa ng tiyan. Hmm!

Mabuti na lang, nagbibigay sila ng pagkain.

Dapat ko ba silang bigyan ng gantimpala?

Matapos kumain ay nahiga ulit na hinihimas-himas pa ang tiyan.

Sa itaas ay may maliit na butas kung saan tumatagos ang sikat ng araw.

Itinaas ko ang kamay ko kung saan bahagyang natatakpan 'yon at tinignan ang singsing na suot ko.

"Saan kaya galing ang magandang bagay na 'to? Bakit nalulungkot akong tignan ka.. kahit ganyan ka kaganda?"

Ipinikit ko ang isa kong mata upang makita ng maigi.

Hmm. Ayos naman siguro kung hayaan ko na lang sa daliri ko ang singsing na 'to kahit na hindi ko alam kung saan ito nanggaling.

Ipinikit niya pa ang isa niyang mata para makita 'yon ng maayos.

Hinayaan na lang niya sa daliri niya ang singsing.

Ibinaba ko na ang kamay ko at huminga ng malalim.

Ayoko na.

Ayoko na dito.

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon