Chapter 30 - Puting buhok

7 2 0
                                    

Chapter 29 - Puting buhok

[Amihan's POV]

"Sana naman natuto ka na talaga ng leksyon ngayon, Amihan. 'Wag ka nang umulit." Sabi ni Luna.

"Hmm."

"Alam mo dapat nga sa malayong lugar ka pumunta at hindi dito eh. Pa'no kung mag-krus nanaman ang landas niyo?"

"Pero kung sa bagay, wala naman na kayong naaalala tungkol do'n."

"Ano? Ano ba'ng sinasabi niyong dalawa diyan ha? Lasing na talaga kayo. Pa'no namang magku-krus muli ang landas namin? Matagal nang patay si Alonso."

"Hindi 'yon, hindi 'yon." Sabi ni Adlaw. "May isa pa! Ano nga uli'ng pangalan no'n? Ne.. Ne..?--Ah!!"

Hinampas ko siya sa ulo.

"Aray! Bakit mo naman ginawa 'yon?!"

"Ano ba kasing pinagsasabi mo diyan? Hay, tama na. Umuwi ka na nga. Lasing ka na."

"Hindi ako lasing 'no!--Aray!" Si Luna naman ang humampas sa braso niya. "Bakit ba kayo nanghahampas?!"

"Bakit mo naman ipapaalala 'yon?! Ha?! Diba nga, kaya nga nakalimutan niya 'yon kasi--" Napatigil siya at napatingin sakin.

Hay ano ba'ng sinasabi ng dalawang 'to?

"Ah wala wala. Kalimutan mo na. Kalimutan mo na 'yong mga sinabi namin ah?"

"Talagang kakalimutan ko dahil wala namang kwenta. Hay masyado nang gabi, umuwi na kayo. Magpapahinga ma rin ako. Sa susunod na lang ulit."

"Mabuti pa nga."

Lumipas ang mga buwan na nandito ako. Ayon dito sa kalendaryo, anim na buwan at dalawang linggo na ang lumipas mula no'ng nakarating ako sa lugar na 'to.

Sanay na kong makisama sa mga tao at kung paano magsalita at kumilos na parang isa sa kanila.

Namumuhay ako ng tahimik sa lugar na 'to at nagagampanan ko ng maayos ang papel ko bilang isang diwata.

Araw-araw pa rin akong kinukulit nina Adlaw at Lakan.

Ngayong araw nga, magkasama kami ni Lakan sa bayan para mamasyal at bumili ng ilang gamit.

"Ooh. Bagay 'tong ilagay do'n sa kwarto ko! Do'n sa tabi ng bintana! Sa tingin mo?" May nakita kasi akong maliit na tanim na halaman. Cactus ang tawag sa tanim na 'to.

"Oo. Maganda saka.. ang cute tignan dahil sa size niya. Bibilhin mo?"

"Hm."

Nag-ikot ikot pa kami at nakakita naman siya ng alagang isda.

"Bibilhin mo?"

Napaisip siya.

"Sabagay, para naman magkaro'n ng bagong kaibigan 'yong mga isda mo sa bahay."

Sandali nga lang..

"Teka!" Hinawakan ko siya sa braso para pigilan at napatingin naman siya sakin na nagtataka. "Kaya ka ba.. bumibili ng mga alagang isda kasi.. naaalala mo si Agua sa kanila?"

"Ano?" Natatawa niyang tanong.

Hay! Ano ba'ng ginagawa ko?!

Binitawan ko siya at umiwas ng tingin.

"Wala. S-sige na, bumili ka na kung gusto mo."

Natawa siya.

Sa isang tindahan naman, may nakita kaming mga hayop. May mga aso do'n na kinakahulan ako kaya hinila na ko palayo ni Lakan.

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon