Chapter 6 - Company dinner

7 2 0
                                    

Chapter 6 - Company dinner

[Nathan's POV]

Kinabukasan habang nag-aalmusal kami ni Lola.

"Ano? Iniisip mo pa rin ba 'yon? Bakit ganyan ang itsura mo?"

Ngumiti lang ako.

"Sinabi ko na sayong 'wag mo nang isipin 'yon diba? Stressed ka na sa trabaho tapos ii-stress-in mo pa lalo 'yong sarili mo sa pag-iisip mo niyan."

"Sa totoo lang La, isang taon na kong nagkakaganito."

"Ano?"

"Simula no'ng matagpuan mo kong walang malay do'n sa rooftop. Simula no'ng araw na 'yon, pakiramdam ko may nawawala sakin. Pakiramdam ko may kulang. Hindi ko maipaliwanag eh. Pero madalas nalulungkot ako."

"Siguro dahil.. kulang ka lang sa enjoyment. Hindi ka man lang kasi namasyal para magbakasyon bago magtrabaho. O baka may gusto kang gawin? Do you wanna take some days off tapos umuwi tayo kina Tita Anita mo?"

"La, hindi naman kailangan no'n. Sige na, hayaan na lang natin 'yon."

Isang tain ko naman nang sinasantabi 'yong panggulo ng bagay na 'yon sa utak ko. Saka, hindi ko rin naman alam kung paano ko mahahanapan ng mga sagot 'yon.

Sa trabaho.

Busy lahat at kakatapos lang ng meeting ko with Sir Donny and Sir Mike saka ng marketing team na naka-assugn dito sa project.

Nagustuhan naman nila at nagkaro'n pa kami ng mga bagong ideas.

"Kung sakin binigay 'yan mas mapapadali lahat." Hay ito nanaman siya.

Alam ko na kung sino 'yong nagsalita at nilingon ko siya.

"Pupusta ko, na magfi-fail ang project na 'to, dahil sayo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman! Ano naman kasing alam mo dito? Diba? May napatunayan ka na ba?"

"Oo siguro nga wala pa. Pero dito ko papatunayan kung ano'ng kaya kong gawin."

"Ugh."

Iniwan ko na siya do'n dahil ayoko nang makipagtalo pa sa kaniya.

Pero napahinto ako nang marinig ko siyang nagsalita.

"Hi Wendy! Lunch?"

"Ah.. h-hindi okay lang--"

"Bakit ba lagi mo na lang akong tinatanggihan?"

"Ahh.. I'm--"

Nilingon ko sila.

"Treat ko! Saka, don't worry, kapag kasama mo ko, hindi ka naman mapapahamak eh."

Tsch. Lumapit ako at humarang sa gitna nila.

Nagkatinginan kami ni Dexter.

"Oh ano?"

"Why do you keep on bothering her? Halata namang ayaw niya sayo diba?"

"Ugh. Stop acting cool. 'Wag ka ngang mangialan. Isa pa bakit ganyan mo ko kausapin? Senior mo ko dito."

"Tama na. Nathan, lika na. Lika na."

Hinila na ko ni Wendy palayo do'n.

"Ano ka ba? Hindi mo na dapat ginawa 'yin baka magkainitan kayo."

"Eh ano? Hahayaan ko na lang na kung ano-ano nanamang sabihin niya sayo?"

"Kahit na. Kaya ko namang lusutan 'yon gaya ng lagi kong ginagawa."

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon