Chapter 32 - Mystery
[Nathan's POV]
Hinatid ko ulit ngayon si Wendy sa condo.
Wala naman na kaming nararamdamang sumusunod samin.
"Sa tingin mo, tumigil na siya?" Tanong niya.
"Sana."
"Ilang araw na nga siyang hindi bumabalik kaya sana tigilan na niya ko."
"Mag-iingat ka pa rin."
"Hm. Salamat."
"Sige."
Tumalikod na ko pero pinigilan niya pa ko.
"Nathan."
Nilingon ko naman siya.
"Hm?"
"Kapag nahanap mo 'yong babae do'n sa picture at naalala mo kung sino siya.. ano'ng gagawin mo?"
"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa iniisip 'yon."
"Pa'no kung.."
Kung?
Tinignan niya ko.
"Pa'no kung.. naging mahalaga pala siya sayo noon? Kaya may picture kayo na gano'n? Na magkasama kayo?"
Ngumiti ako at umayos ng tayo para humarap sa kaniya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.
"'Wag mo nang alalahanin 'yon. Huh?"
"Kailangan mo pa ba talaga siyang hanapin? Mahalaga pa ba 'yon? Kung nasa nakaraan na 'yon hindi ba dapat, pabayaan mo na lang 'yon?"
"Wendy..."
"Sorry. Ayoko lang kasi na bumalik pa siya kung sino man siya tapos.. mapunta na sa kaniya lahat ng atensyon mo."
Ngumiti ako at kinurot siya sa pisngi.
"Ah!"
"'Wag kang mag-alala. Kahit naman anong mangyari, magkaibigan pa din tayo, diba?"
"'Yon na nga eh!" Oh bakit naman bigla siyang sumisigaw? "Bakit ba kasi kahit na anong gawin ko kaibigan pa rin 'yong--" Napatigil siya at napapikit sabay buntong hininga. "Sige na, ingat." Sabi niya tapos naglakad na.
Ano namang nangyari sa kaniya?
Pumunta na ko sa cellphone repair shop para kunin 'yong cellphones na pinagawa ko.
"Wala naman po kaming nakitang problema dito sa isa, na-drain lang 'yong battery niya. Pero itong isa sir, nalaglag ba 'to sa tubig?"
"Ha?"
Wala akong naaalalang nalaglag sa tubig 'yong cellphone kong 'yon.
Hindi na daw makukuha pa 'yong laman no'ng luma kong cellphone. Kaya wala na din akong makukuhang information do'n.
Nasa sasakyan na ko ngayon at binuksan ko naman 'tong isang cellphone.
Kaming dalawa 'yong lockscreen at wallpaper.
Totoo ngang nagkakilala kami noon.
Dumiretso ako sa messages at may mga text messages nga kami sa isa't-isa.
May call logs din at mga pictures.
Nangyari ba talaga lahat ng 'to?
Bakit hindi ko maalala? Bakit.. nabura lahat sa alaala ko?
Hindi ko maintindihan kung ano ba talagang nangyari noon.
Sa sulat niya, sinabi niyang nakalimutan na din niya ko sa mga oras na mabasa ko 'yon.
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...