Chapter 24 - Agua

5 1 0
                                    

Chapter 24 - Agua

[Amihan's POV]

"May isa pa kong hiling."

"Ano 'yon?"

"Pwede bang.. lagi kang nasa tabi ko?"

Sinabi niya 'yon gamit ang isip niya.

Hindi ko alam kung sinabi niya lang ba 'yon dahil malungkot siya at mag-isa o.. may iba siyang ibig sabihin.

Ngumiti naman ako at tumango.

"Wala akong nakikitang dahilan para tanggihan ang hiling mo. Hmm. Kung gano'n, pwede rin pala kong tumupad ng hiling?" Nakangiti kong sabi. "Woah. Magagawa ko rin pala. Sige, kung gusto mo ng makakasama, pwede ako. Pero.."

"Pero?"

"Ah., ipangako mo sakin na hindi ka na malukungkot ulit."

Ngumiti siya.

"Bakit naman malulungkot pa ko kung.. tutuparin mo nga 'yong hiling ko?"

Ngumiti naman ako.

"Halika na. Kumain na muna tayo. Nagutom ako sa paglalaro eh."

Tatayo na dapat ako pero hinila naman niya ko kaya napaupo ako at.. ugh.

H-hinalikan niya ko.

Ugh. Teka, teka, ano'ng.. ginagawa niya?

Bakit niya.. ugh.

Itinulak ko agad siya palayo at nagkatinginan kami.

Hindi ko.. alam kung ano'ng tumatakbo sa isip niya pero.. ugh.

Tumayo ako at tumakbo palayo sa kaniya.

"Amihan!"

Ugh. Sandali lang naguguluhan ako.

Kung hinalikan niya ko eh di.. may iba pang ibig sabihin 'yong mga sinasabi niyang 'yon diba? Kaya ba gano' siya kung magsalita?

"Amihan!"

Huminto ako at napapikit.

Bakit ganito?

Bakit parang may pumipigil sakin na.. tanggapin siya?

Ano 'yon.

"Patawarin mo ko Amihan. Hindi ko sinasadya."

"Maari bang hindi sadyain ang bagay na 'yon?"

"Ano?"

Humarap ako sa kaniya.

"May gusto ka ba sakin, Lakan?"

"Ugh. Ano?" Umiwas siya ng tingin. "Paano mo naman nagagawang itanong ang bagay na 'yan ng gano'n kadali?"

"Sagutin mo na lang ako! Kung 'yon ang gusto mong sabihin bakit nagpapaligoy-ligoy ka pa ha?!" Sumisigaw ako pero hindi ako galit ah! Nabibigla lang ako sa mga nangyayari.

"Oo."

Ah.. ugh.

Napatigil naman ako at napaiwas ng tingin.

B-bakit.. bakit ako.. ugh.

"Hindi naman masamang magustuhan ka, hindi ba?"

Pumikit ako at tumingin sa kaniya.

"Pasensya na. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin ngayon."

"Ayos lang. Ayos lang kung wala kang sabihin, kung hindi mo sagutin. Gumaan 'yong dibdib ko no'ng.. nasabi ko na sayo."

"Ah.. hindi ako.. makapag-isip ng ayos. Nabigla ko sa.. mga nangyari ngayon." Hay ano ba'ng dapat kong sabihin o ang dapat na maging reaksyon ko? Napakatagal na panahon na mula no'ng may umamin ng nararamdaman para sakin. "Ugh! Nagugutom na ko!"

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon