Chapter 12 - Psychiatrist

7 2 0
                                    

Chapter 12 - Psychiatrist

[Nathan's POV]

"No'ng bata ako, favorite ko talaga 'to. 'Yong nakalagay pa sa plastic? Hahaha! Kapag may dumadaan nito samin, umiiyak ako kapag hindi ako nabibilhan eh."

"Kahit sinong bata naman yata gusto ng cotton candy."

"Hm! Pati kids at heart!"

"Nathan!"

Napalingon ako nang may tumawag sakin.

Oh? Si Sed kasama si Ella. Ahh no'ng sinabi niyang may date sila, dito din pala sila pupunta.

Naglakad sila palapit samin.

Teka.. bakit ba..

Nagkatinginan kami ni Sed.

"Parang nangyari na 'to?" Sabay naming sabi.

Ugh! Hindi lang ako! Hindi lang ako 'yong nakakaradam no'n!

Kinilabutan ako do'n ah.

Napatigil pa kami saglit tapos natawa siya.

"Hahahaha! Astig! Pero seryoso, pumunta na ba tayo dito dati? May ka-date ka tapos kasama ko si Ella?"

"Ewan ko. Hindi ko naman matandaan 'no. Hindi ko na nga maalala kung kelan ako huling pumunta dito eh."

Napaisip din siya.

"Ah di bale. Lika! Kain tayo!"

Sabay-sabay na nga kaming kumain at napapatingin ako sa paligid.

Bakit kakaiba 'yong pakiramdam ko? Hindi ko maipaliwanag eh.

"Kanina pa ba kayo dito?" Tanong ni Sed.

"Hm."

"Biruin mo nga namang nandito din pala kayo."

"Treat ko kay Wendy dahil nga birthday niya kahapon."

"Hmm. Ay Wendy thank you pala kagabi ah? Happy birthday ulit."

Ngumiti lang kami.

"Oh teka hindi pa nga pala kayo magkakilala 'no? Si Ella nga pala girlfriend ko."

"Hi!"

"Hi! Oh Nathan, girlfriend mo?" Tanong ni Ella kaya napaubo ako.

"Ah hindi. Magkaibigan lang kami." Si Wendy na 'yong sumagot.

Ngumiti naman si Ella na parang hindi naniniwala.

"Magkaibigan.. pa lang." Dugtong niya.

"Huh?" Tanong naman ni Ella.

"Malapit ko na siyang maging boyfriend."

"Hmm! Malapit mo na siyang sagutin?"

"Ah hindi, hindi!" Sabi niya with actions pa. "Siya 'yong.. sasagot sakin."

"Ano?"

Hay bakit ba sinasabi niya 'yon?

"Oh! Ang sarap nito oh, ang anghang!" Sabi ko para maiba 'yong topic.

Nagkatinginan naman kami ni Sed at natawa siya.

Si Ella naman nagtataka sa kung ano'ng sinasabi nito ni Wendy.

Pagkatapos naming kumain, sumakay ma ulit kaminsa iba pang rides.

May parade pa at hinila niya ko para manood.

Ano ba 'to? Bakit parang nangyari na talaga 'to?

Nababaliw na yata ako.

"Wow ang ganda!"

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon