Chapter 26 - Walang pipiliin
[Amihan's POV]
Ngayon, nakaupo kami sa ilalim ng malaki at malagong puno.
Nagkukwento siya sa mga nangyari sa kaniya no'ng mga panahong nakakulong ako.
"Talaga?"
"Oo! Syempre ako 'yong nanalo."
"Tsch."
"Oo nga! Kung natalo ako eh di sana hindi ko na lang kinuwento sayo."
"Sa loob ng mahigit apat na raang taon, wala akong ibang kinakausap do'n kundi 'yong mga insekto."
"Nakakalungkot nga na hindi ka namin pwedeng dalawin do'n. Hindi ka pwedeng dalawin ng kahit na sinong diwata. Mapaparusahan din kami kapag ginawa ko 'yon."
"Pero alam mo.."
"Hm?"
"Kahit na naparusahan ako ng gano'n, hindi ko pinagsisisihan."
"Ano?"
"Naging masaya naman kasi ako kasama si Alonso noon. Ang pinagsisisihan ko lang, namatay siya dahil sakin. Dahil lang minahal ko siya."
"Bakit mo naman kasi ginawa 'yon? Alam mo na ngang hindi pwede eh."
"Pinili kong maging masaya."
"Hay ewan ko sayo. Tignan mo, no'ng nakaraang taon ginawa mo din 'yan! Kaya nga--"
Napalingon ako sa kaniya at napatigil naman siya.
"Ano 'yon? Ano'ng ginawa ko?"
"Ahh.. nakakulong ka! Noong nakaraang taon nakakulong ka pa rin, diba?"
"Ugh."
Gabi na nang makauwi ako at nag-aalala akong sinalubong ni Amelia.
"Amihan! Saan ka ba nanggaling? Ang sabi ni Trisha may lalaki daw na bigla na lang humila sayo kanina! Sino 'yon?"
"Ah--"
"Alam mo ba'ng sobrang nag-alala ko? Bakit naman sumasama ka sa kung sinu-sino?"
"Hindi siya basta 'kung sinu-sino lang'. Si Adlaw. Si Adlaw ang kasama ko kanina."
"Ah.. ugh."
"Dinala niya lang ako sa tirahan niya."
"Ahh. Pasensya na."
"Ayos lang. Kaibigan ko siya simula noon pa. Kaya hindi mo kailangang mag-alala."
Tumango siya.
Lumipas ang mga araw at nagbago na ang buwan sa kalendaryo.
Nasasanay na kong makipag-usap sa mga tao dahil ginawa ko na ngang libangan ang pagtatrabaho dito sa flower shop ni Amelia.
"Hi Miss. Ano'ng pangalan mo?"
Tinignan ko siya.
"Hanna."
"Oh. Hi Hanna! I'm Yuan."
Ngumiti siya at nakipagkamay.
"Ito na 'yong bulaklak."
"Thank you." Sabi niya at umalis na.
Siniko naman ako ni Trisha.
"Alam mo, ang dami talagang nagpupuntang lalaki dito na ikaw ang unang nilalapitan."
"Hay. Bakit nila ginagawa 'yon kung ang binibili nilang bulaklak ay para sa mga kasintahan nila?"
"Tama ka diyan. Hay may mga gano'ng lalaki talaga. Kaya kailangan mong mag-ingat. 'Wag kang masyadong makipag-usap sa kanila. Saka diba.. may boyfriend ka naman?"
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...