Chapter 30 - Sulat

8 2 0
                                    

Chapter 30 - Sulat

[Nathan's POV]

Sandali.

Bigla kong naalala kung saan ko nakita ang mukhang 'yon.

Ugh. Tama! Siya 'yon!

Si Ami!

Tatawid sana ko para sundan siya pero naka-go pa 'yong mga sasakyan. Hay!

Ang tagal pa!

Sigurado akong siya 'yon!

Hay Nathan bakit naman ngayon mo lang naalala?!

No'ng nag-stop, tumakbo na agad ako patawid at hinanap siya.

Pero hindi ko na siya nakita.

Hay!

Hindi ako pwedeng magkamali.

Kamukha niya 'yong babae do'n sa picture.

Teka, kung gano'n siguro.. dito ko siya mahahanap sa lugar na 'to.

Hinihingal pa kong tumingin sa paligid.

Wala na nga siya at hindi ko nakita kung saan siya nagpunta.

Pag-uwi ko sa bahay, tinitignan ko pa din 'yong picture. Tama nga ako. Siya nga 'yong babaeng nakita ko kanina.

Ugh. Natagpuan ko na.

Natagpuan ko na ang babaeng hinahanap ko. Ang babaeng makakasagot ng mga tanong ko.

Kinabukasan, bumalik ulit ako do'n para hanapin siya.

Pinagtanong-tanong ko pa pero walang nakakakilala sa kaniya.

I am certain na siya 'yong nakita ko. Kasi kung hindi bakit ako nakakita ng mga flashbacks na 'yon no'ng nakasalubong ko siya? Tapos lumingon din siya so ibig sabihin nakita din niya, diba?

Kailangan ko siyang makita.

Isang araw, pagkagaling ko do'n sa lugar kung saan ko ko siya nakita kahapon, nakipagkita naman ako kay Sir Rico, 'yong professor ko sa history no'ng college na marunong sa baybayin.

"Good afternoon po, Sir Rico!"

"Nathan! I'm happy to see you again, my favorite student!"

"Hahaha. Salamat po. Ako din po."

"Oh so kamusta ka na?"

"Ayos lang po. May trabaho naman na po ako ngayon."

"Mabuti naman kung gano'n. Sa panahon ngayon, mahirap maghanap ng trabaho eh."

Ngumiti ako.

"Kayo po?"

"Ito, nagtuturo pa rin ako do'n sa university and I'm doing fine. Malakas pa naman. Hahaha!"

"It's good to see you doing fine sir. Malakas na malakas pa talaga!"

Natawa naman siya.

"Magpapatranslate ka ng baybayin?" Nabanggit ko na kasi 'yon sa message ko sa kaniya.

"Ah.. opo sana kung.. hindi naman kayo masyadong busy."

"Naku, nagkaro'n nga ako ng time na makipagkita sayo eh so it will be fine. Ano ba 'yon?"

Inabot ko sa kaniya 'yong sulat at tinignan naman niya.

"Nakita ko 'po 'yan sa dati kong bahay. Gusto ko po sanang malaman kung ano 'yong ibig sabihin ng mga nakasulat diyan."

Binasa niya.

Napansin kong napapakunot 'yong noo niya at napapaayos ng salamin niya.

Tinignan niya ko.

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon