Chapter 15 - Stalker
[Nathan's POV]
Hindi ako mapakali.
Hindi ako makatulog.
Umupo muna ko at tinignan ulit 'yong picture.
"Ami? Sino ka ba? Bakit hindi kita maalala?"
Posible nga kaya na.. may parte ng nakaraan ko na nakalimutan ko?
No'ng natagpuan akong walang malay do'n sa rooftop ng dati kong bahay at sinugod ako sa ospital, wala namang signs na naapektuhan 'yong memory ko at hindi naman daw ako nagka-amnesi.
Imposible nga naman kasi na may amnesia ko kasi bakit 'yon lang? Bakit 'yong bagay na 'yon lang ang nakalimutan ko?
Lalo lang akong nalito.
Lalo lang nadagdagan 'yong mga tanong ko.
Sino siya at bakit ganito 'yong nararamdaman ko kapag tinitignan ko 'tong picture?
Nasa'n siya?
Alam niya kaya 'yong tungkol dito?
Mahahanap ko kaya siya?
Magkikita pa kaya kami ulit?
Ugh.
Kinabukasan habang sabay kaming nag-aalmusal ni Lola.
"Bakit ganyan 'yong itsura mo? Parang hindi ka nakatulog ng ayos ah?"
"Ah.. hindi nga po?"
"Bakit?"
"Siguro dahil po do'n sa.. picture na nakita ko."
"Tignan mo. Nakatulong ba sayo 'yong pagbalik mo do'n? Mukhang lalo lang gumulo 'yong isip mo eh."
"Sa tingin ko.. unti-unti na kong napapalapit sa mga sagot."
Nakatingin lang siya sakin.
"'Yong tanong na.. sino 'yong babaeng nasa malalabong eksenang nakikita ko? Sa tingin ko, siya 'yong babae do'n sa picture."
"Alam mo apo, iniisip ko palang, kinikilabutan na ko. Napaka-imposible naman kasing mangyari na may babae kang.. nakasama noon na hindi mo na maalala at hindi ko rin naman kilala? Kahit konti hindi mo maalala?"
"La, gagawin ko lahat para mahanap siya. Hahanapin ko siya."
"Pa'no mo naman siya mahahanap? Eh wala ka namang ibang alam tungkol sa kaniya?"
"Sa tingin ko kapag nakita ko siya, kapag nagkita kami.. doon masasagot lahat ng tanong ko."
Nagbuntong-hininga na lang siya.
During lunch time sa trabaho, pinakita ko din kay Sed 'yong picture.
"Ano 'to? Sino 'tong babaeng kasama mo dito?"
"Hindi mo rin alam?"
"Tatanungin ko ba kung alam ko?"
"Hindi ko alam kung sino siya pero nakasulat diyan na Ami 'yong pangalan niya."
"Ami?"
"Hindi ba pamilyar sayo?"
Umiling siya.
"Ano ba 'to?"
"Mukhang kinunan sa photobooth 'yong picture na 'yan. Nakuha ko 'yan sa.. dati kong bahay."
"Saan?"
"Pumunta ko kahapon do'n sa dati kong bahay."
"Ano? Pumunta ka talaga? Alam mo sa tingin ko nababaliw ka na nga talaga."
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...