Chapter 4 - Couple ring
[Nathan's POV]
Umuwi na din ako pagkatapos ng dinner namin ni Wendy.
"Oh bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Lola pagkamano ko sa kaniya.
"Nagdinner kami ni Wendy sa labas."
"Ooh." Sabay ngiti.
"La, anong ibig sabihin ng ngiting 'yan?"
Hindi siya sumagot at nakangiti lang.
"La, magkaibigan lang kami ni Wendy."
"Ano ka ba? Hindi ako naniniwala na pwedeng hanggang kaibigan lang ang isang babae at isang lalaki."
"La--"
"Gusto ko siyang makilala."
"Ugh."
"Hindi ko pa siya nakakwentuhan, nakita ko lang siya minsan. Alam mo, maganda siya at mukhang mabait."
"La bakit ba nagmamadali kayo na magka-girlfriend ako? 21 pa lang ako."
"Malapit ka nang mag-22!"
"Ano namang kinaibahan no'n?"
"Eh pa'no, sinayang mo kasi 'yong buong apat na taon mo sa college sa kakahabol mo kay Gianna na hindi ka naman gusto."
"Oh ayan tignan niyo. Ang sabi mo kanina hindi pwedeng maging magkaibigan lang ang isang babae at isang lalaki. Tignan mo kami no Gianna--ah!" Hinamapas niya ko sa braso.
"Eh diba gusto mo siya? Gustong-gusto mo nga siya noon eh! Kaya nga hindin pwedeng maging kaibigan lang dahil may isa na paniguradong magkakagusto do'n sa isa."
"Ugh."
"Oh diba ngayon may boyfriend na siya? Tama lang 'yon, hindi talaga siya 'yong para sayo. Hindi niya dapat pinapaasa 'yong apo ko!"
Ngumiti ako.
"Eh si Wendy?"
"La, bakit parang gusto mo na agad siya para sakin eh hindi mo pa naman siya nakikilala?"
"Eh ikaw? Gusto mo ba siya?"
Tinignan ko lang siya tapos hinampas nanaman niya ko sa braso.
"Ah!"
"Ano ka ba? Ano ba kasing gusto mo sa babae ha? Napaka-pihikan naman nito!"
"La, ako lang din naman 'yong makakapagdesisyon at makakaramdam kung gusto ko 'yong isang tao, diba?"
"Hay sige na magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka."
"Hmm."
Nahiga na ko pagkatapos kong mag-ayos at tumingin lang sa kisame.
Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan kung bakit parang hindi ako interisado.
Hindi ko kasi ma-explain eh. Parang may nakapwesto pa do'n sa lugar na paglalagyan ng mamahalin ko. Ang weird kasi pakiramdam ko may niloloko ako kung magmamahal ako ng iba.
Siguro nga, hindi pa rin ako totally nakakamove-on kay Gianna.
"Can't you just.. look at me? Hindi mo ba talaga ko.. pwedeng magustuhan?"
Wala naman akong nakikitang problema sa kaniya. Sa totoo lang, ideal girl nga siya.
Tumayo ako at binuksan 'yong drawer at kinuha do'n 'yong singsing. Naupo ako habang tinitignan 'yon.
Malaking misteryo sakin kung saan galing 'yong singsing na 'to. Hindi alam ni Lola, hindi rin alam ni Sed.
Kung gano'n, pa'no napunta sakin 'to?
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...