Chapter 2 - Wendy
[Nathan's POV]
Kinabukasan sa trabaho, nilapitan ako ni Wendy.
"Nathan!"
"Hm?"
"Mamaya ah? 'Wag mong kalimutan."
"Ugh. Oo, oo. Sorry pala kahapon ah?"
"Okay lang. Naiintindihan ko naman. Of course kailangang unahin mo muna 'yong Lola mo, baka magtampo siya sayo." Nakangiti niyang sabi.
Ngumiti na lang din ako.
"Ano 'yang ginagawa mo?"
"May project na binigay sakin. Familiar ka ba kay Amihan?"
"'Yong mythical creature? Oo naman, sino namang hindi nakakakilala sa kaniya?"
"Gusto kasing gumawa ng company ng isang theme park, na siya 'yong bida. Para sa mga bata 'yon saka pwede rin sa mga kids at heart. Actually pumasa na 'yong proposal do'n and ako ngayon 'yong isa sa mga gumagawa ng marketing strategy para do'n."
"Wow! Alam mo, I'm sure na papatok 'yan. Saka tama lang na ipakilala ulit siya ngayon kasi halos hindi na siya kilala ng mga bata dahil puro video games na lang ang alam nila. So.. 'yong mga rides will be.. wolf themed or.. something?"
"Yeah."
"Hmm. Interesting. Sige, hindi na kita iistorbohin, balik na ko do'n sa table ko."
Ngumiti ako at tumango tapos naglakad na siya.
Nagulat nga ako na sakin pinagkatiwala 'to. Malaking project kasi 'to kaya nakakapressure din at nakakatakot magkamali.
Isa pa, parang nakakainis din kasi diba nga, gustong-gusto ko si Amihan noon at naniniwala akong totoo talaga siya. Kaya lang dahil nga do'n sa.. nangyari kina Mommy, hindi na ko naniwala na totoo siya at hindi pa rin ako naniniwala hanggang ngayon. Sabagay, sino nga naman kasing maniniwala na totoo siya? Wala naman talagang mga gano'ng bagay dito sa mundo 'no.
Naniwala lang ako no'n sa kaniya dahil bata pa ko. Sa pagtanda ko, narealize kong nakakatawa kung maniniwala pa ko sa kwentong barberong 'yon.
"Hay ewan ko nga kung bakit ipinagkatiwala sa isang baguhan 'yong gano'n kalaking project. Pa'no kung mag-fail 'yon? Bakit ba kasi hindi na lang sila kumuha ng mas experienced? Tsch."
Ugh. Ito nanaman siya.
Si Dexter.
Ewan ko kung bakit ganyan siya umasta.
Mayabang, pakialamero, gusto laging bida, gusto laging siya 'yong tama, laging nagmamagaling. Hay. Bahala siya sa buhay niya. Inggit lang 'yon kasi hindi sa kaniya napunta 'to.
Umusog naman si Sed sa tabi ko at siniko ako.
"Narinig mo ba 'yon?"
"Rinig na rinig ko."
"Alam mo ibang klase talaga sa kayabangan 'yan si Dexter 'no? Porket laging nagiging successful 'yong mga projects na binibigay sa kaniya feeling niya sobrang galing na niya. Tignan mo, makakarma din 'yan sa mga pinaggagagawa niya."
"Hayaan mo na. Mas 'experienced' nga naman kasi siya dahil tatlong taon na siya dito. 'Wag mo nang intindihin."
Kinagabihan nga, nagdinner kami ni Wendy.
"Wow! Sobrang proud ako na sayo napunta 'yong project na 'yon and I'm sure.. I am so.. so.. sure, na magiging successful 'to."
"Ugh. Thank you."
BINABASA MO ANG
Duyog: Ang ikalawang yugto
FantasyDuyog by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...