Chapter 25 - Gustong makasama

7 1 0
                                    

Chapter 25 - Gustong makasama

[Amihan's POV]

Inilibot niya pa kami sa iba pang parte ng kaharian niya at nagkwento ng ilang bagay tungkol sa kaniya.

Pagkatapos no'n, hinatid niya na ein kami palabas.

"Maraming salamat sa oras na inilaan niyo upang dalawin ako." Sabi niya habang nakadungaw mula sa dagat at nakahawak sa bangka.

"Salamat din sa pagtanggap mo samin at sa pagdala mo samin sa 'yong kaharian."

"Paalam. Sana'y magkita pa tayong muli."

Ngumiti kami at lumangoy na siya palayo.

"Woah." Tumingin ako kay Lakan. "Napakagaling niya."

Bumalik na kami sa lupa at naglakad na pabalik sa sasakyan.

"Alam mo, na-miss ko tuloy bigla 'yong kaharian ng hangin na.. napakatagal na panahon na no'ng huli kong nakita."

"Maaari ka namang bumalik do'n kung kailan mo gusto."

"Ngunit.. hindi ko alam kung matatanggap pa ba nila ko pagkatapos ng nangyari sakin."

"Bakit naman?"

"Ang ilan sa kanila'y kinakahiya ako dahil sa kasalanang nagawa ko noon na naging dahilan upang mapabayaan ko sila."

"Ngunit kahit na anong gawin nila, ikaw pa rin naman ang pinuno nila."

"Ayos lang. Sa tingin ko naman, naaalagaan nila 'yon nang sila lang."

"'Yon ba 'yong dahilan kung bakit hindi ka bumalik no'ng.."

"No'ng?"

"Wala. Halika na. Hapon na, umalis na tayo."

"Mabuti pa nga. Malayo pa 'yong ibabiyahe natin."

Umalis na din kami at kumain na muna ng hapunan.

"Ikaw? Wala ka bang balak na puntahan 'yong kaharian niyo?"

"Lagi naman akong pumupunta do'n."

"Talaga?"

"Kung gusto mo, isasama kita."

Ngumiti lang ako.

Umuwi na din kami pagkatapos no'n. Inihatid niya ko sa bahay. Sinalubong naman ako ni Amelia.

"Amihan! Kamusta?"

"Ayos naman." Nakangiti kong sabi. "Masaya. Pumunta kami sa hardin na punong-puno ng mga bulaklak tapos naglaro kami ng tubig. Nagpunta din kami sa dagat at.. nakipagkita kami kay Agua."

"Kanino?"

"Kay Agua. Ang diwata ng karagatan at ng tubig."

"Ano? Ugh. Nakipagkita kayo sa mataas na diwatang si Agua."

"Oo bakit?"

"Pumayag ang aming pinuno na.. makita siya?"

Tinignan ko lang siya. Ano ba kasing gusto niyang sabihin?

"Ano ba 'yon? May problema ba kung.. makita namin siya?"

"Ah.. mukhang hindi mo nga alam ang kwento."

"Kwento tungkol saan? Bakit ba hindi mo na lang sabihin sakin?"

"Ang aming pinuno na si Lakan, at ang diwata ng tubig na si Agua.. ay dating magkasintahan."

Napaubo ako bigla. Ugh?

"Ano?!"

"Nagkaro'n ng relasyon ang aming pinuno at ang diwata ng tubig ilang daang taon na ang nakararaan. Labis silang nag-iibigan at masaya ang lahat na makita silang magkasama. Ngunit nang mapagdesisyunan ng aming pinuno na pumunta sa lugar kasama ng mga tao upang mas magawa niya ang kaniyang tungkulin, at ninais niyang isama ang diwata ng tubig, hindi ito pumayag. Hindi siya sumama sa aming pinuno kaya 'yon ang naging dahilan ng paghihiwalay nila."

Duyog: Ang ikalawang yugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon