▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
A:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Katahimikan ang bumabalot sa kapaligiran. Ang nagsisilbing liwanag ay ang silaw mula sa laptop ni Monic. Nakaupo siya sa dulo ng kaniyang higaan. Nagbabasa ng mga artikulo na hilig niyang gawin.
“ Isang tao na may antisocial personality? ” Nangunot ang noo ni Monic sa kaniyang nabasa. Nilipat niya sa isang tab ang kaniyang browser. Sa Youtube. Isang video na textual kung saan ang subtitle ay Pychopath Test.
Ang bawat letra ay kulay pula. Ang background ay kulay itim. Ang video na iyon ay nagbigay ng katanungan.
A woman while at the funeral of her own mother, she met a guy whom she did not know. She thought this guy was amazing, so much the dream guy that she was searching for that she fell in love with him immediately.
However, she never asked for his name or number and afterward could not find anyone who knew who he was.
A few days later the girl killed her own sister.
Question: Why did she killedl her sister?
Napatingin sa taas si Monic. Nagmunimuni. Inisip ang kasagutan sa katanungan. Muli niyang tinitigan ang laptop niya. Binasa niya muli ang tanong. Ilang minuto siyang nag-isip. Napasimangot siya at napakagat ng kaniyang labi.
“ Baka pinagbintangan niya yung kapatid niya? Baka ang pumatay sa Nanay niya ay yung Kapatid niya? ” Bulong niya sa hangin.
Hindi niya natiis. Pinindot niya ang pause menu. Lumabas ang kasagutan sa kaniyang tanong.
She reasoned that if the guy appeared at her mother's funeral, then he might appear another family funeral.
“ Ang baliw naman ng babaeng ‘yan! Ay teka. Psychopath test nga pala ‘to. Ibig sabihin, kapag nasagot ‘to ng tama? Psychopath ‘yon? ”
Tumunog ang alarm clock ni Monic sa awit na Today my life begins ni Bruno Mars. Dinismiss niya ito atsaka pinatay ang kaniyang laptop.
Alas singko na ng madaling araw. Ito ang parating oras ng kaniyang pag gising upang makaluto ng kanilang almusal. Siya ang nakatoka sa pagluluto upang may maitulong sa Tita Poring niya, ang unang asawa ng Tatay niyang pumanaw kasama ang tunay niyang Ina matapos ang hagupit ni Ondoy.
Si Monic ay may nakatatandang kapatid, si Lovely o kung minsa’y tawagin niyang Loleng kapag siya ay naiirita. Mataba ito, kulot ang buhok at kayumanggi.
Si Monic Tino ay kasalukuyang second year sa Heptagon High School. 14 years old. 5’3. May kaputian. Nahahati ang buhok pakanan, mahaba at kulay brown.
Hilig ni Monic ang manood ng movies patungkol sa psychotic, schizophrenic, psychopath, at narcissistic. Naging agresibo siya patungkol sa utak at pag-iisip ng mga tao matapos pumanaw ang Tito niyang baliw sa side ng kaniyang ina.
Kuwento ng kaniyang ina, sa Tita nitong si Poring, nabaliw ang Tito nito matapos bumagsak sa Medical Licensing Examination. Iniwan ito ng kaniyang nobya at ikinahiya ng kaniyang Lolo.
Hindi nakayanan ng Tito ni Monic ang depression. Isang araw ay nakita nalang ng kaniyang Ina na bumubula na ang bibig nito.
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK B TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?