▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
F:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Math subject. Tahimik ang mga estudyante. Nakatitig at mainam na nakikinig sa guro nila. Babae, simple, maikli ang buhok, may kaputian, maamo ang mukha. Si Monic ay nakahalumbaba. Si Arwin ay nakahalumbaba din.
“ Sige. Magki-quiz tayo. ” Sabi ng guro nila. Nag ohhhh ang mga estudyante. Tila yata lahat ay tamad magquiz.
“ By partner ” Batid muli ng guro nila. Naghiyawan ang mga estudyante. Nagkatinginan at nagngitian sina Monic at Arwin.
Nagsalita si Arwin. “ Alam na this. ”
“ Matic na please ” sagot ni Monic. Nagtawanan ang dalawa.
Nagtabi-tabi ang mga magkakapartner. Hindi na lumipat ng upuan sina Arwin at Monic dahil magkatabi na talaga sila. May ilang espasyo kada pares.
Nagsitahimikan ang lahat. Muling nagsalita ang guro nila. “ Hindi lang ‘to basta quiz. Isa ring itong game kung saan malalaman ninyo kung anong talino ba ang mayroon kayo. Ang academic intelligence o pratical intelligence. ”
“ Wow! -- ”
“ Feeling ko both sakin -- ”
“ Sakin ata attractive intelligence -- ”
“ Wala ‘kong paki diyan. Basta maganda ko. Solve na! -- ”
“ Maganda. Tsk -- ” Bulong ng katabi nito.
Naglakad ang guro nila sa gitna. Nakataas ang kanang kamay na nakatayo ang hintuturo. “ Ang academic intelligence ay ang mga estudyanteng magaling sa memorization. Masipag magbasa. Mahilig sa siyensa. Madalas magtanong ng Bakit? Ano? Saan? Paano? Ito ang mga tipo ng estudyante na kung minsan, pagkatapos ng exam, ay nakakalimutan na nila ang inaral nila. Ngunit, ang mga estudyanteng ito ang kadalasang nagtatop sa klase. ”
“ Oh? E yung practical? -- ”
“ Ang pratical intelligence naman ay angkin na ng mga tamad. Hindi sila nagbabasa. Sila ay nagoobserba. Hindi sila nagmememorize. Sila ay nag aanalyze. Hindi sila masipag. Ang gusto nila, mag enjoy. Kuhain ang pinakamaikling paraan para sa napakahirap na katanungan. Sila ang magagaling sa diskarte. Sila ang may katalinuhang hindi nakukupas. ”
“ Syet ako ‘yon! -- ”
“ Tae feeling ko ako tinutukoy ni Ma’am! -- ”
“ Ang taray nakakarelate ako! -- ”
“ Edi sila na. The best sile eh -- ”
“ Iba’t iba ang katalinuhan ng tao. Ng estudyante. May iba na alam na nila kung anong klase ang mayroon sila. May iba naman na on process palang. At may iba, na parehas mayroong academic at practical intelligence. ” Nagsitahimikan ang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?