S2: N

83 3 0
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                        Season 2: N

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Sa sementeryo. Bumaba sa van sina Leiz, ang driver, sina Aling Poring at Aling Bangbang. Sumunod naman ay sina Aling Rita at Lovely.

Naabutan nila si Mang Kanor na kakatapos lang maghukay sa katabing puntod ng Nanay ni Monic. Ito ang puntod kung saan nakalibing ang anak ni Mang Kanor na dating gustong upuan ni Arwin.

Nakatitig lang sila kay Mang Kanor. Nanlaki ang mga mata nila nang makita nila na buhat-buhat ni Mang Kanor si Arwin na basag-basag ang bungo. Inihagis ni Mang Kanor ang bangkay ni Arwin sa kanyang hinukay.

“ Arwinnnnnnnnnnn!!! ” Sigaw ni Monic habang tumatakbong papalapit. Nagulat si Mang Kanor sa tining ng boses ni Monic. Tumakbo ito papalayo.

Gulat na gulat si Aling Bangbang “ Hayop kang baliw ka!! Anong ginawa mo sa alaga ko!! ” Nanghina ang ang tuhod ni Aling Bangbang. Napaupo ito sa lupa. “ Nako po.. ” Napahawak ng ulo si Rita. Inakay niya si Aling Bangbang.

Tumakbo papalapit si Aling Poring kay Monic. Naabutan niyang nakalusot na din sa hukay si Monic habang akap akap ang bangkay ni Arwin. “ Arwin.. please.. wag.. wag mo din akong iwan.. please.. Sorry.. sorry.. sorry please.. bumalik kana.. please.... ”

Napatakip ng bibig si Aling Poring. Napapaiyak at halos hindi matanggap ang pangyayari. “ Ano ba ‘to... ”

Nanlalaki lang ang mga mata ni Lovely na pinagmamasdan ang mga kamag-anak sa paligid.

***

Dumating ang ambulansya. Tinakloban ng komot si Arwin. Maraming tao sa paligid. Nakikiasyoso kahit wala namang naitutulong.

Maraming media mula sa iba’t ibang channel. Maraming photographer na nagtutulakan para makakuha ng larawan. Maraming reporter na nagkakagulo sa pagbabalita.

At maraming tanong si Monic na hindi niya masagot.

“ Anong nangyari? ” Paulit-ulit na tinatanong ng imbestigador si Monic pero wala itong masabi. Nakaupo siya sa higaan ng kanyang kuwarto, sa hospital.

“ Lumayas kayo! Layuan niyo yung kapatid ko! Mga mukha kayong pera! ” Tinulak ni Lovely ang mga imbestigador. Pinaghahampas niya ang mga camera na nakatutok kay Monic. Pinipigilan siya ni Aling Poring pero hindi ito nagpapapigil. Sinapok niya isa-isa ang mga reporter na pinagkakaguluhan si Monic.

“ Lumayas kayo! Hindi niyo na inisip na namomroblema ‘yang kapatid ko! Hindi niyo na inisip ang nararamdaman niya! Basta lang na may maisulat kayo para magkapera kayo, ginagawa niyo! Mga gago kayo! Mga hayop! Mga mukha kayong pera! Lumayas kayo! ”

Walang nagawa ang mga media. Umalis sila sa kuwarto ni Monic. Napaupo nalang si Lovely na nawalan ng enerhiya sa kakasuway sa mga media.Tumabi sa kanya ang tatlong ale.

Sinamantala ni Leiz ang pagkakataon. Lumapit siya kay Monic na walang bahid ng pagkatakot. Kinausap niya ito. “ Monic.. may itatanong lang ako. Sana sagutin mo. ” Tumingin sa kanya si Monic na parang nagbigay ng go signal.

Bumuwelo si Leiz bago magtanong. “ May dalawang magkapatid. Namatay yung Mama nila. Sa punerarya, nakita nung babae yung lalaki. Nainlove siya. Ilang oras matapos, pinatay nung babae yung kapatid niya. Bakit niya pinatay?  ”

Sumagot si Monic. “ Dahil may gusto yung babae sa lalaki. Dahil naniniwala siya na magpapakita ulit yung lalaki kapag may namatayan ulit sa kanila. ”

Nanlaki ang mata ni Leiz sa tamang sagot ni Monic. Isang tanong para malaman kung psychopath ang isang tao. Isang tanong na matagal nang alam ni Monic.

Natakot si Leiz at sumigaw. “ Isa siyang baliw!!! ” Nagulat sina Lovely. “ Hindi ako baliw!! ” Sinugod ni Monic si Leiz. Sinakal ito at sinabunutan. Agad na umawat ang tatlong ale. Muling natakot si Lovely. Naisip niya na tumawag ng doctor. Agad siyang lumabas sa pintuan. Nagmadaling pumasok ang babaing doctor. Ininjekan nito si Monic.

***

Sa white room. Kaone-on-one talk ng babaeng doctor si Monic. Magkaharap sila. Nakaupo sa silya ng lamesa. Nakayuko lang si Monic na suot ang gown niya pang ospital.

“ Hindi ako naniniwala sa psychopath test na ibinigay ng kaibigan mo. Pero totoo bang nasagot mo ng tama ang tanong? ”

“ Matagal ko nang alam yung sagot ‘don. ” Hindi tumitingala si Monic. May isinulat ang doctor sa pad nito.

“ Totoo bang paulit-ulit kang nagpupunta sa sementeryo? ” Hindi sumagot si Monic.

Hinintay ng doctor na magsalita si Monic, pero nainip ito. “ Totoo bang hindi mo ni minsan nakasama ang magulang mo? ”

Hindi pa din umiimik si Monic. “ May problema ka ba? Pwede mo akong sabihan. ” Napabuntong hininga nalang ang doktor.

“ May kakilala ka ba sa kapamilya mo na baliw? May Tito ka ba o Tita -- ” Tumingin si Monic sa doctor. Muling nanlisik ang mga mata niya. Galit na galit ito.

“ HINDI ... AKO ... BALIW! ” Sinugod niya ang doctor at sinakal. Inuntog-untog ni Monic ang doctor sa lamesa. Mabilis na kinuha ng doctor ang injection nito mula sa gilid ng lamesa sabay turok sa leeg ni Monic.

Nawalan ng malay si Monic.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK S2: O TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon