S2: E

89 3 0
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                        Season 2: E

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

“ Ibig sabihin, pangalawang anak ako?! ” Gulat si Monic. Kinuwento ni Aling Bangbang na si Lily ang panganay na anak ng magulang niya. Nakuwento ni Monic si Mang Kanor. Ayon kay Aling Bangbang, baliw na si Mang Kanor nang umalis ito bilang gardener.

“ ‘E kinausap namin! Buti hindi kami pinatay! ” Takot si Arwin. “ Nagpunta kayo? ” Sabat ni Leiz. Hindi siya pinansin ni Arwin.

“ Mukhang okay na naman po yung pag-iisip niya. Mukhang matino na siya nung nakausap namin. ”

Nakuwento ni Monic ang nangyari sa anak ni Mang Kanor. Sumang ayon lang si Aling Bangbang.

“ Kung pangalawa po ako, pang ilan si Loleng? Kapatid ko ba talaga siya? ” Tanong pa ni Monic.

“ Oo, malandi yung Nanay niya, si Poring! ” Nagulat si Monic.

“ Bakit malandi? ”

Kuwento ni Aling Bangbang. Pumalit si Poring bilang gardener matapos umalis si Mang Kanor. Si Aling Bangbang pa noon ang katulong nila.

Isang gabi, lasing na dumating si Dominic. Hindi pa man umuuwi si Mora ay agad itong sinunggaban ni Poring.

Buong akala ni Dominic na ang katalik niya ay si Mora. Naabutan nalang ni Aling Bangbang na sumusigaw si Mora nang makitang hubo’t hubad sina Poring at Dominic.

“ Pinalayas siya ni Mama? ” Tanong ni Monic. Walang bahid ng pagkagalit.

“ Oo. Napilitan umalis nitong impakta matapos makunan ni Madam Mora. ”  Nalungkot si Monic. “ Ibig sabihin pala, si Lily ang ate ko. Ibig sabihin, kung hindi lumandi si Tita Poring, buhay pa yung kapatid ko. ”

Hindi umimik si Aling Bangbang. “ Kung malandi yung Poring, bakit ka niya kinupkop? Asan ba yung mga magulang mo? ” Sawsaw ni Leiz.

“ Sabi ni Tita, namatay daw sila Mama’t Papa nung Ondoy. ”

May kumatok sa pintuan nila Aling Bangbang. “ Tao po! ” Boses ng lalaki.

Tumayo si Aling Bangbang mula sa kinauupuan niya. “ Ano ‘yon?  ”

“ Meralco po! ”  Kinuha ni Aling Bangbang ang bill. “ Oh! Buti naman at bumaba yung bill natin. ” Inilagay ni Aling Bangbang yung bill sa kuwarto niya.

“ Kung ganon po. Ibig sabihin si Mama talaga ang unang asawa ni Papa? ” Naupo muli si Aling Bangbang.

“ Oo. ”

“ E bakit kay Tita Poring po ako lumaki? Bakit hindi nalang po sa inyo? ”

Huminga ng malalim si Aling Bangbang. “ Matapos mamatay ng magulang mo. Umuwi ako sa probinsya namin. ‘Yon ang pinakamabigat na ginawa ‘ko sa mga magulang mo. Wala naman kasi akong pangpakain sa’yo. ‘Yang si Poring meron, may share kasi siya sa naiwang pera ng mga magulang mo.  ”

“ May share din po ba ‘ko don? ”

“ Hindi ‘ko lang alam, malamang pagkarating mo ng eighteen, may papapirmahan ‘yang si Poring kaya nagbabait-baitan sa’yo. Basta iha, matalino ka namang bata. Wag kang magpapauto. Kung sakali mang lumayas ka sa bahay niyo, welcome ka dito. Anytime. ” Ngumiti si Monic.

Nagpaalam si Monic kay Aling Bangbang. Umuwi ito sa bahay nila. Nakipag-usap siya kay Poring na kunwari ay wala siyang alam tungkol sa nakaraan nito.

*******

Sa lamesa. Sabay-sabay na kumakain sina Lovely, Monic, Poring at Rita.

“ Kumain ka ng marami. ” Nilagyan ni Poring ng manok ang plato ni Monic. “ Salamat po. ”

“ Ikaw ba iha may boyfriend ka? ” Tanong ni Rita. “ Wala po. ”

“ Hindi nagbo-boyfriend ‘yang si Monic. Mabait na bata ‘yan kumpara dito kay Lovely. ” Pagbibiro ni Poring. Ngumuso si Lovely. “ E kung mag boyfriend ako momeh? Ayoko lang kasi baka magalit ka. ” Tahimik lang si Monic, pero sa isip-isip nito ay hindi naman magkakaboyfriend si Lovely dahil wala itong manliligaw.

“ NBSB kaya ako! ” Dagdag pa ni Lovely. Tumawa lang si Rita. “ Bakit? Ilan ba ang nangliligaw sa’yo Lovely? ” Hindi makasagot si Lovely. “ Ang sarap ng ulam. Yum! ”

Pagkatapos kumain. Si Monic ang maghuhugas pero pinigilan siya ni Poring. Nagprisinta na ito para makatulog ng maaga si Monic.

Umakyat si Monic sa kuwarto niya. Hindi pa rin maalis sa isipan ang katotohanang nalaman. Gusto niyang magtapat sa Tita niya pero hindi niya magawa.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK S2: F TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon