J

195 7 1
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                                J:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂ 

Sa boarding house nila Arwin. “ Alam mo, ang gulo talaga ng kwarto mo. “ Galit na sabi ni Monic.

Mabilis niyang inilapag ang bag niya sa upuan ng kuwarto ni Arwin. “ Ang arte naman nito! Ikaw na nga lang ‘tong nakikipunta, ikaw pa magrereklamo! ”

“ Eh ang dugyot nga kasi. Tignan mo yang kumot mo, hindi mo tinitiklop. Yang unan mo, may laway pa. Yang kurtina mo, yan pa yung isang buwan eh! ”

“ Eh nagbo-boarding house nga lang kasi ako diba. Tsaka isa pa, ako lang naman ang tao dito sa kuwarto kaya kahit marumi ayos lang. May lalaki bang tagalinis? Malamang wala! ” Hinubad ni Arwin ang sapatos niya.

 

“ Eh si Aling Bangbang? Hindi ba niya chinecheck kung malinis yung umuupa sa bahay niya? ” Tanong muli ni Monic.

“ Landlady lang naman si Aling Bangbang, hindi checker. Ano namang paki niya kung malinis o marumi yung umuupa sa bahay niya? Ang mahalaga, nagbabayad ako. ”

Umupo si Monic sa lamesa ni Arwin. Binuksan ang laptop. Pinindot ang on button. “ Teka, anong gagawin mo diyan? Hindi ka ba hahanapin ni Aling Poring?” Tanong ni Arwin.

“ Si Tita? Hindi ako hahanapin non. Wala naman yon sa bahay ngayon. Si Loleng baka, paepal yun eh ”

Pinindot ni Monic ang google chrome. “ Pafb ako ha! ”

“ Sige lang. Log out mo nalang fb ‘ko. Nilike mo na ba yug profile picture ‘ko? ”

Tinanggal ni Arwin ang polo niya. Pinalitan ng pangbahay ang suot niyang uniporme. Walang pakundangan kung mapatingin si Monic. Hindi naman ito lumilingon dahil patuloy sa pag-iinternet.

“ Profile picture? Bakit? Bakit ‘ko ilalalike? ” Sagot ni Monic.

“ Eto talaga! I-like mo na. Nag face off  kasi kami ni Kim Bum. Pag nilike mo, ibig sabihin mas pogi ako sa kaniya. Pag-inignore mo naman, ibig sabihin mas pogi sya.”

 

Napalingon bigla si Monic kay Arwin. Tapos na itong magbihis. “ Panong face off ‘yon? Papano mo malalaman kung sino nag ignore? Shunga ka talaga! ” Humarap muli si Monic sa laptop. Inihagis ni Arwin ang uniporme niya sa labahan niyang tambak na.

“ E ganon talaga. Kaya sure win na ‘ko. Ilike mo na kasi. Nakakailang like na ba ‘ko? ”

Lumabas sa news feed ni Monic ang profile picture ni Arwin. “ Oh? Nakaka three thousand one hundred six kana.  O ayan, nilike ko na. one hundred seven na! ”

“ Yun! Thank you! ” Kinuha ni Arwin ang isa pang upuan sa tabi ng kama niya, inilapag niya ang bag ni Monic na kanina ay nakapatong doon. Tinabihan niya si Monic. “ Kailan nga pala yung swimming niyo? ” Tanong ni Monic.

“ Next week pa. Manood ka ah! Buti pa yung ibang mga babai gumagawa pa ng karatula para sakin. Ikaw na bestfriend ko, ni cheer wala! ”

“ Sorry poooooo ”

 Tumunog ang chat sound. Napatingin ang dalawa. Lumabas ang chat box ni Lovely.

From: Cute Lovely Tino- Asawa ni Jang Geun Suk

NASAN KA?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

Nangunot ang noo ni Arwin. “ Ano na namang nakain niyang shomba na ‘yan? Kailangan nirereport lahat kung nasan ka? ”

“ Oo nga eh. Iseen mode ko nalang.  ” Pipindotin na sana ni Monic ang ex button pero pinigilan siya ni Arwin.

“ Pag sineen mode mo ‘yan. Baka pumunta ‘yan sa kuwarto mo. Magsumbong pa kay Aling Poring na hindi ka umuuwi ng diretso. ”

Napairap si Monic. “ Sige na nga. ”

                 

To: Cute Lovely Tino- Asawa ni Jang Geun Seuk

Nasa kwarto bakit?

Cute Lovely Tino- Asawa ni Jang Geun Suk is typing a new message

Nagsalita si Arwin. “ Ayan na! Nagtatype na! ”

“ Alam ‘ko, anong ‘kala mo sakin? Bulag? ”

 

From: Cute Lovely Tino- Asawa ni Jang Geun Suk

Seen ✓ 4: 17 pm

Nagalit si Monic. “ Tignan mo! Sabi na nga ba isi-seen mode lang ako niyan! Naunahan tuloy ako! Tsk! ” Pipindutin na sana ni Monic ang ex button. Pinigilan ulit siya ni Arwin.

“ Kala mo lang nag seen ‘yan pero may tinatype yan! Ganyan din ako e. Ibig sabihin lang non, mahaba yung tinatype niya kaya nag seen mode. Tignan mo, mag re-reply yan “  Nakatitig ang dalawa sa screen. Naghihintay ng reply ni Lovely.

Tumunog ang chat sound.

From: Cute Lovely Tino- Asawa ni Jang Geun Seuk

Bumaba ka dyan. Magluto ka na ng hapunan. Nagugutom na ko. FASTERRRRR IRRRRR!!!!

“ Ah ganon! ” Tumayo si Monic at tipong susuntukin ang laptop ni Arwin. Agad na inilayo ni Arwin ang laptop niya.

“ Oy teka! Hindi naman sa’yo to! Kung gusto mo, si Lovely suntukin mo! “

From: Cute Lovely Tino- Asawa ni Jang Geun Seuk

Parating na si Mommy! Magluto kana!

“ Oo na! Uwi na ‘ko! ” Hinablot ni Monic ang bag niya sa lapag. “ Aalis na ‘ko. Bye! ”

“ Teka lang! Gusto mo ng panglason sa daga? ” Alok ni Arwin.

“ Baliw! ”

Binuksan ni Monic ang bintana ni Arwin. Lumabas siya mula roon. Ilang distansya sa binatana nito ay isa pang bintana. Lumakad siya sa bubong kung saan madalas magsampay si Arwin. Pumasok siya sa katapat na bintana. Ito ang bintana ng isa pang kuwarto sa bahay nila Monic. Ito ang bakanteng kuwarto na katabi ng kuwarto ni Monic.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK K TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon