S2: J

82 3 2
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                        Season 2: J

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Agad na tumayo ang apat. Binuksan ni Arwin ang bintana, una niyang pinalusot si Monic. Sumunod naman ito. Nang si Lovely na ang sumunod, hindi na naman siya magkasya. Pinilit niyang ipasok ang katawan niya sa bintana. Hila-hila ni Arwin ang ulo niya. Hila naman ni Monic ang dalawang kamay ni Lovely. “ Aray! Aww teka teka! Aw shit. ” Tinanggal ni Lovely ang katawan niyang naipit sa bintana.

Tinulak ni Leiz si Lovely. “ Ako nga muna kasi! ” Lalakad palang ito palapit sa bintana nang dunggulin siya ni Lovely. “ Anong ikaw!?! ”

Bumuwelo si Lovely. Buong lakas niyang ipinagkasya ang katawan. Sa wakas! Nagkasya din!

Nang makapasok ito sa bintana. Papasok pa lang si Leiz nang bigla niyang sinara ang bintana. Sumigaw si Leiz. Medyo mahina dahil nakasara na ang bintana. “ Hoy! Pasali ako! Papasok ako! Huyy! ” Maluha-luha si Leiz. Dinidilaan lang siya ni Lovely.

Kinausap ni Monic si Lovely. “ Loleng naman. Kawawa si Leiz. Papasukin mo na. ” Umirap si Lovely pero sumunod din.

Nang makapasok ito sa bintana, agad na naghampasan sina Lovely at Leiz.

Pumuwesto na ang apat. Nakahiga sila sa bubong habang nakatitig sa buwan. Si Monic na nasa dulo’y katabi si Arwin, na katabi ni Leiz at sa gilid ay si Lovely.

Kinikilig si Leiz. Katabi niya si Arwin. Palihim nitong inaamoy si Arwin. Agad siyang napansin ni Lovely. “ Pag hindi ka tumigil sa kakaamoy diyan, ihahagis kita sa swimming pool. ” Natakot si Leiz. Lumayo kay Arwin.

“ Sabi nila, may epekto daw ang buwan sa pag-iisip ng tao. Kasi diba, pag full moon --- ”

“ Monic. Ano ba? Sabi ko diba, bawal mag-isip ng kung ano-ano? ” Galit si Arwin.

“ Ha? Walang masama sa ginagawa ‘ko Arwin. Masama bang mag research? Mas maganda sa isang tao na marami siyang alam. May masama ba don? ” Bumangon si Monic. Bumangon din si Arwin.

“ Napapadalas kasi yung mga research research mo. Nakita ko yung files sa laptop mo. Puro psychopath. Schizophrenia. Narcisistic. Pychotic. Ano ba ‘yan. Nakakatakot ka. ” Napatitig si Monic. May kung anong naramdaman na parang ikinalungkot niya.

“ Bakit? Baliw ba’ng tingin mo sakin? Kagaya ng Tito ko? Yun ba? Kaya ba binabawalan mo ko magsabi ng kung anong info o trivia? Dahil baliw ako? Ha? Gano’n ba kaya nagagalit ka Arwin? ”

Tumayo sina Leiz at Lovely. Nakikiasyoso sa dalawa. “ Hindi Monic. Yan ka na naman. Kung ano-ano na namang sinasabi mo. Papano mo naman nasabing baliw ang tingin ko sayo kaya kita pinagbabawalan? Pinoprotektahan lang kita. Wala akong sinasabing gano’n. Ang sa akin lang ---  ”

“ Hindi Arwin. Yun talaga yung nasa isipan mo. Kaya nga pinoprotektahan mo ako kasi akala mo baliw ako? Tama ba?! O sa tingin mo, mababaliw pa lang ako? Pwede ba.. Arwin, hindi ako magagaya sa Tito ko. Oo, gusto kong malaman kung paano mag-isip ang mga baliw. Pero hindi ako baliw. ”

“ Wala akong sinasabi. ”

“ Tama na. ” Tumayo si Monic. “ Matulog na tayo. Sabi na nga ba’t walang patutunguhan to. ”

Naglakad si Monic papasok sa bintana. Sinundan siya ni Arwin. “ Monic ano ba?! ” Hindi pinansin ni Monic si Arwin. Lumusot ito sa bintana at nahiga sa kama niya. Lumusot din si Arwin sa bintana at sinuyo si Monic.

“ Sorry na. Uyy? ” Umupo si Arwin sa kama ni Monic. Tinaklob ni Monic ng kumot ang sarili niya. 

“ Monic naman.. wag ka namang childish. Ang simple-simple lang no’n nagkakaganyan kana. ” Hindi umiimik si Monic.

Habang nag-uusap ang dalawa. Sina Leiz at Lovely naman ay nagtutulakan para makasilip sa bintana. “ Ano bang nangyari? ”

“ Ewan? Isumbong ko kaya kay momeh? ”

Binatukan ni Leiz si Lovely. “ Tanga ka talaga. E di pati tayo nadamay? Ba’t ba kasi sila nag-away? ”

Gumanti ng batok si Lovely. “ Ba’t ako tinatanong mo? E diba ikaw ang katabi ni Arwin! ” Sumilip na naman ang dalawa sa bintana. Sinusuyo pa din ni Arwin si Monic.

“ Parang may narinig kasi akong baliw? Ang alam ko, ang sinasabi lang naman ni Monic about dun sa buwan. May nabasa din kasi ako, nagbabago daw mood ng tao kapag full moon. Dahil daw yon sa pagtaas ng tubig. E’ diba, nababalot ng tubig ang utak natin? Tsaka yung katawan din natin. Kaya may epekto daw. ” Natakot si Lovely kay Leiz. “ Hala.. baka kaya nagkakaganyan si Monic, dahil full moon? Nako’t sabi na nga ba’t! May something dito kay Monic! Halaaa. Baka baliw na nga talaga si Monic?! Nako po! ”

“ Patay ka! Kalahi mo pa naman si Monic. Pwede ka ding mabaliw. Lagooot! ” Sinabunutan ni Lovely si Leiz. “ Pag ako nabaliw. Ikaw una kong biktima. Che! ” Pumasok si Lovely sa bintana. Muli na namang naipit ang katawan niya. Tinulak-tulak siya ni Leiz hanggang sa tuluyang makapumasok ang katawan niya.

Sinusuyo pa rin ni Arwin si Monic. “ Psychiatrist ba yung course na gusto mong kunin? Kaya ba gano’n nalang ang interest mo sa utak ng tao? ”

Hindi umiimik si Monic. Nagtutulog-tulugan.

“ Mag-HRM nalang tayo. Parehas nalang courseang kunin natin. Diba mahal mo naman ako? Gagawin mo ‘yon para sakin diba? ”

Hindi pa din umiimik si Monic. Bumubulong-bulong si Leiz. “ Ako HRM. ”

“ Monic kausapin mo naman ako. Para naman akong tanga dito. Hindi mo na ba ko mahal? Wala na ba? Gano’n gano’n nalang? One day lang? Wala na? Break na agad tayo? Monic? ”

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK S2: K TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon