S

136 5 1
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                                S:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Sa sementeryo. Nilapag ni Monic ang bulaklak na hawak niya. Nakatitig siya sa puntod ng Mama niya.

“ Sigurado ka talagang pupuntahan natin lagi ang Mama mo? ” Tanong ni Arwin.

Napataas ng ilang centimeter ang dalawang kilay ni Monic. “ Syempre. Parang kahapon lang sabi mo oo ngayon ayaw mo na? Hala, ang bilis mo naman magsawa. ”

“Hindi naman sa ganon. Ang sa akin lang. Ilang taon na ang nakalipas. Pero sige, kung saan ka masaya, duon ako. ”

Lumakad ang dalawa palabas ng sementeryo. Sa labas ay may isang pamilyar na babai na kumakain ng kwekwek. “ Hi? ”

Sinubukan ni Monic na marecall ang babai. “ Leiz? Tama ba? ”

“ Yep! Kamusta kayo? Sino siya? Boyfriend mo? ” Tinuro ni Leiz si Arwin.

“ Sows! Parang kanina lang, nilampasan mo ‘ko. Ngayon hindi mo na ‘ko kilala? ” Singit ni Arwin.

Nangunot ang noo ni Leiz “ Ahh.. Ikaw yung lalaki sa hagdan? Hmm... ikaw si Arwin right?  ” Hindi siya inimikan ni Arwin. Namagitan ang katahimikan sa tatlo.

“ Hmm.. May dumaan na anghel. ” Tumawa nang pilit si Monic. “ So.. ba’t ka nga pala nandito? ”

Sumagot si Leiz. “ Wala. Napadaan lang ako. ”

“ Ahh.. Pauwi ka na ba? Pauwi na kasi kami. ”

“ Ah sige. Sabay-sabay na tayo. ”

Naglakad ang tatlo papunta sa traysikelan. Habang naglalakad. Patuloy sa pag-uusap sina Monic at Leiz. Nasa pagitan ni Monic sina Arwin at Leiz.

“ San ka nga pala nag-aaral? ” Tanong ni Monic.

Sinubo ni Leiz ang nag-iisa niyang kwek kwek atsaka itinapon ang stick sa kalsada. “ Sa Heptagon High School..”

Sabay na nagsalita sina Monic at Arwin. “ SA HEPTAGON?! "

“ Nakakagulat naman kayo. Oo. Bakit? Duon din ba kayo? ” Tanong ni Leiz.

Nangunot ang noo ni Arwin. “ Imposible namang hindi mo ako kakilala kung sa Heptagon High School ka nag-aaral. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero lahat ng estudyante don ,mapagraduate o transferee. Kakilala ako. Tapos ikaw hindi? Wow. as in wow! w-o-w. ”

Kalmadong sumagot si Leiz. “ Busy kasi ako sa pag-aaral ‘ko. Ni hindi ko nga kilala yung principal natin. ”

“ Oh teka teka. Nandito na tayo sa traysikelan. O ano? Enough na ha! ” Pag-aawat ni Monic.

Pumasok sina Monic at Leiz sa loob. Tumabi naman si Arwin kay Manong drayber.

Tumigil ang traysikel sa tapat ng boarding house nila Arwin. Bubunot pa lamang si Arwin ng pera sa bulsa niya, pinigilan na siya ni Leiz. “ Wag na. Ako na magbabayad. Tutal naman, friend na tayo. ”

Bumulong si Arwin. “ Sinong nagsabi.. ” Nilakihan siya ng mata ni Monic.

Lumingon si Leiz kay Monic. “ Sige Monic, mauna na kami ni Arwin. ”

Iritableng nagsalita si Arwin. “ Mauna ka. Sino nagsabing papasok na ‘ko ng bahay? Tapos sabay pa tayo? Halika na nga Monic. ”

Pumasok sina Arwin sa bahay nila Monic. Sa lamesa ay nagbabasa ng libro si Lovely.

Binati ni Arwin si Lovely. “ Hi Loleng.” Umirap si Lovely.  “ Hindi ako si Loleng! ” Tumayo ito sa kinauupuan atsaka pumasok sa kaniyang kuwarto. Siniko ni Monic si Arwin.

 Lumingon si Aling Poring mula sa kusina. “ Oh Monic san ka galing? ”

“ Dyaan lang po Tita. ”

“ Good evening po mukhang auring. Ay Aling Poring. ” Siniko muli ni Monic si Arwin.

Bumulong si Monic. “ Sira ulo ka talaga. ” Napangisi lang si Arwin.

Hinain ni Aling Poring ang niluto niyang adobong manok. “ Lovely, anak, halina’t kain na! ”

Agad na lumabas si Lovely. Umupo sina Monic at Arwin katabi nito. Matapos magsandok ni Aling Poring ng kanin ay naikupo na din ito. Sabay-sabay na kumain ang apat.

Sa labas ng pintuan ay nakatitig lang si Leiz sa kanila.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK T TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon