S2: C

95 3 0
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                        Season 2: C

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

“ Maraming salamat po. ” Tumayo si Monic at kinamayan si Mang Kanor. “ Nako wala ‘yon, pasensya kana iha. Ni hindi ko man lang nakuwento sa’yo kung paano namatay ang mga magulang mo.  ”

“ Nako okay lang po. Hindi niyo naman po kasalanan kung bakit namatay yung mga magulang ‘ko. Salamat po ulit sa pagku-kuwento. ” Tumayo sina Monic at Arwin.

Ngumiti si Mang Kanor “ Oh siya, sige sige. Mag siingat kayo.  ”

“ Sige ho una na ho kami! ” Sigaw ni Arwin na hindi man lang tumingin.

Hapon. Naglalakad sa kalsada sina Monic at Arwin. Bad trip pa din si Arwin. “ Akala ko naman may makukuha tayong impormasyon dun sa matanda. ”

“ Okay lang yon. Medyo malabo nga lang yung tinutukoy niya. Pero ang sarap pakinggan na yung kuwento niya tungkol sa nakaraan nila Mama’t Papa. Nagtataka lang talaga ‘ko kung sino si Lily at bakit hindi kakilala ni Mang Kanor si Tita Poring. ”

“ Oo nga eh. Nakakapagtaka. Pero malay mo, nag-iimbento lang pala yun. Baka wala talaga siyang alam. ”

“ Imposible. Alam niya yung pangalan nila Mama. ”

“ Nagpapatawa kaba? Malamang tagalinis ‘yon sa sementeryo. Pabalik-balik ‘yon. Panigurado kabisado niya na lahat ng pangalan ng bangkay don. ”

“ ‘E basta. Masaya ‘ko. ” Nangunot lang ang noo ni Arwin at hindi na umimik.

Sa paglalakad nila ay nakita nila si Leiz na may kaharutang lalaki. Busy kaya hindi sila napansin.

“ Akala ko talaga nung una mahinhin ‘yan. ” Sabi ni Monic habang nakatitig kay Leiz.

“ Ewan ko. Mukhang mainit dugo ko sa kanya. Diba dapat kayong mga babae ang nakakaalam kung may ugali ang kapwa niyo babae? Mas malakas ang instinct ng mga babae kaysa sa mga lalaki. ”

“ Oo alam ko. Nagkataon lang siguro na mali ako. ” Patuloy sa paglalakad sina Monic.

“ Kamusta nga pala si Leiz bilang kaboardmate mo? ” Napapekeng tawa lang si Arwin. “ Malay ko diyan. Hindi ko naman pinapansin. Pero nagkakataon na sa tuwing maliligo ako, lagi akong inaabangang nakatop less n’yan. ”

“ Ang kapal ng mukha nito. ”

“ Hala? Oo nga! Kaya nga naiirita din ako. Kababaing tao ‘e mahilig. ”

Napapailing lang si Monic.  “ Diba dalawa lang yung kuwarto sa taas niyo? Edi kayo lang dalawa? ”

“ Oo. ”

“ Oh? E nung wala pa siya, buti hindi ka natatakot? ” Natatawang tanong ni Monic.

“ Mas natakot nga ako nung dumating siya.”

Tumaas ang kilay ni Monic. “ Bakit naman? ”

Hindi sumagot si Arwin. “ Kamusta na pala si June? Kinakausap ka pa din ba? ”

“ Hindi. Hindi naman kami close. ”

Nakarating sina Arwin sa bahay nila. Nagpaalam sila sa isa’t isa at pumasok sa kanya-kanya nilang bahay.

Masayang sinalubong ni Lovely si Monic. “ Hoy Monic! May pageant sa school! ”

“ Oh? Nako, ayokong sumali. ” Agad na iwas ni Monic. “ Hindi naman ikaw. Ako, ako yung sasali. Pinipilit kasi ako ng teacher ko. Ayaw ko sana, ang kaso sayang daw yung ganda ko. Ano? Ayos ba? ”

“ Ha? Sigurado ka? A, e. Sige. Sumali ka. ” Hinubad ni Monic ang sapatos niya.

“ Teka nga umupo ka nga.  ” Sapilitang pinaupo ni Lovely si Monic. “ Ganito kasi yon. Kailangan ko kasi ng escort. ” Agad naintindihan ni Monic ang balak ni Lovely. “ Si Arwin? ”

Nakangiting tumatango si Monic. Natigil ang pagtango nito nang magsalita si Monic. “ Ayaw niya. ”

“ Bakit naman?! Hindi mo pa nga itinatanong! ” Galit nito.

“ Edi ikaw kumausap. Ichat mo sa facebook! ” Tumayo si Monic mula sa kinauupuan. Aktong paakyat na ng hagdan.

“ ‘E hindi ko nga siya friend sa facebook eh! Anak ng tinga non, ni hindi pa ko inaaccept. Mag wa-one year na. ” Humaba ang nguso ni Monic. “ Edi mag poser ka! ”

“ Oo nga no?! ” Agad na tumakbo si Lovely sa kuwarto niya.

Umakyat si Monic sa hagdan. Pumasok siya sa kuwarto niya. Pagkaakyat niya ay naabutan niyang naglilinis ng kabilang kuwarto ang Tita niya. “ Oh Tita? May uupa na po? ”

“ Ay hindi. Dadating kasi yung kapatid ko mula abroad. Dito daw muna tutuloy. Oh, magpakabait ka ha. Wag kang mag-iingay. Masungit kasi yon. ”

Nalungkot si Monic sapagkat hindi na siya makakatawid sa bintana papunta kay Arwin. “ Mga ilang araw daw po siya dito? ”

“ Sabi niya isang linggo daw. Kaso, pabago-bago isip non. ”

“ Ahh.. kailan po siya dadating? ” Tumunog  ang screen door nila Monic. “ Oh, andyan na ata siya. ”

Bumaba si Poring at iniwan si Monic. Sinilip ni Monic ang kapatid ni Poring. Marami itong bitbit na bagahe. Agad itong sinalubong ni Lovely. “ Titaaaaaa! Buti nalang dumating kana! Pasalubong?! ”

Hindi na pinansin ni Monic ang pag-uusap mula sa baba. Pumasok na siya sa kuwarto niya na may bahid ng pagkalungkot. “ Buti pa si Lovely may tunay na Tita. Buti pa siya may Nanay pa. ” 

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK S2: D TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon