▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
T:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
“ Mauna na po ako Aling Poring. ” Sabi ni Arwin kasabay nang pagbukas niya sa pintuan.
Patuloy sa pagligpit ng mga plato si Aling Poring. “ Sige sige. Mag-iingat ka. ”
Sinundan ni Monic si Arwin sa paglabas nito sa pintuan. “ Bukas, sabay tayong pumasok ha! Ikaw magbabayad ng pamasahe. ”
“ Oo na sige sige. Bye! ”
Sinara ni Monic ang pintuan. Lumapit siya sa Tita niya na naghuhugas ng mga plato. “ Tita ako na po diyan. ”
“ Hindi na sige. Matulog ka na. ”
Ngumiti lang si Monic sa Tita niya. Umakyat siya sa hagdanan. Pumasok sa kaniyang kwarto. Humiga sa kaniyang kama, at ipinikit ang kaniyang mga mata.
Kinabukasan. Hindi pa masyado sumisikat ang araw. Ramdam pa ni Monic ang lamig nang buksan niya ang kanilang pintuan. Sa paglingon niya nang magsimula siyang maglakad papaalis ay natanaw niya si Arwin na nakasandal sa poste. “ Ang bagal mong kumilos! ” Sigaw ni Arwin.
“ Malay ko bang nandyan kana pala. ” Sabay na naglakad ang dalawa papunta sa traysikelan.
Huminto sa harap ng Heptagon High School ang sasakyang traysikel nila Monic at Arwin. Pagkababa ni Arwin sa traysikel, agad niyang isinuot ang kaniyang sumbrero. Sa ilang distanya mula nang makapasok sila sa main gate, narinig na nila Monic at Arwin ang matining na pito mula sa olympic pool nila.
Agad na pinahawak ni Arwin ang bag niya kay Monic. “ Hoy san ka pupunta?! ” Tumakbo si Arwin papunta sa c.r dala ang kaniyang plastic.
Nagpatuloy sa paglalakad si Monic. Pumunta siya sa olympic pool nila at umupo sa orbit. “Hi Monic.” Bati sa kaniya ng isa sa swimmer kasabay nang pagdive nito.
Natuon ang atensyon ni Monic kay Arwin na tumatakbo palapit sa kaniya. Suot na ni Arwin ang rash guard nito.
“ Oh! ” Hinagis ni Arwin ang plastik na ang laman ay uniporme niya. Tumama ang plastik sa mukha ni Monic. “ Parang tanga ‘to! ” Tumawa lang si Arwin. Ipinasok ni Monic ang plastic sa bag ni Arwin.
Pumito ang coach nila Arwin. Nagdive si Arwin at lumangoy gamit ang free style palapit sa deck.
Nagpraktis sina Arwin kasama ang kalalakihan at ilang kababaihan. Nakahilera ang mga swimmers. Pumito ang coach. Nagfree style ang mga swimmers. Pabalik ay ginamit nila ang style na backstroke. Sumikat ng tuluyan ang araw. Nagsidatingan ang mga estudyante. Napuno ng kababaihan ang orbit.
Kaniya-kaniyang takas ang mga lalaki papunta sa c.r. upang magpalit ng damit. Nagtutulakan ang mga kababaihan upang makapagpaselfie. Sa dami ng tao ay hindi na maaninagan ni Monic ang bestfriend niyang si Arwin.
Iritableng bumulong si Monic. “ Etong mga babaeng ‘to, mga sabikan sa selfie eh. Kainis! ”
Inalisan ni Monic ang mga nagkukumpulang mga tao. Lumabas ito kasabay ng pag pa-pagpag niya sa kaniyang uniporme. Inayos niya ang bag ni Arwin sa kaniyang balikat. “ Ang bigat-bigat! Etong lalaking talaga ‘to, sa akin pa pinabitbit! ”
Nagring ang cellphone ni Monic. Galing sa unknown recepient. Nireject ni Monic ang tawag. Ilang minuto pa ay nakatanggap siya ng text.
Tanga Arwin to! Sagutin mo dali!
Tumawag muli ang unknown recepient. Sinagot ni Monic ang tawag.
“ Ako pa tinanga mo ah!! ”
Okay sige sorry na. Punta ka dito, nasayo yung damit ‘ko! Wala akong pangpalit.
“ Anong punta? Saan? Sa C.R? ”
Oo. Dito sa c.r ng mga lalaki.
“ Sa C.R. ng mga lalaki?!!! NO WAY! ”
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK U TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?