▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Season 2: O
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Sa kuwarto ni Monic. Masaya itong nakikipag chat kay Arwin. Tumatawa. Kinikilig.
To: Arwin Pino
Hindi ka na naman nagtooth brush!
Ngumisi si Monic sa kaniyang chinat.
From: Arwin Pino
Anong hindi? Haaaaaaaaa
To: Arwin Pino
Ang baho! Abot dito.. inantok tuloy ako..
From: Arwin Pino
Haha! Punta ka nga dito, ang daming ipis eh. Hingahan mo sila para mamatay sila BWAHAHA!
Tumawa ng malakas si Monic. Nanginginig itong nagtatype habang binabanggit ang mga salita.
To: Arwin Pino
Mukha mo! Balita ko nga endorser yang hininga mo ng baygon!
Mula sa kabilang kuwarto ay nakarinig ng malakas na tawa si Monic. Ang tawa ni Arwin na kapitbahay nila.
To: Arwin Pino
Ang lakas ng tawa mo ! BWAHAHAHAHAHAHA!
Nagulat si Monic nang bumalibag ang pintuan niya. Nakita niya si Leiz. “ Baliw ka! ” Natakot si Monic kay Leiz. Kinuha niya ang laptop niya at hinagis sa mukha ni Leiz. Bumulagta na nawalan ng malay si Leiz.
Nagmadaling lumabas ng kuwarto ni Monic. Dumaan siya sa bintana papunta kay Arwin. Nang makita siya ni Arwin, agad binuksan ni Arwin ang bintana nito. “ Oh? Bakit ka umiiyak? ”
Agad niyakap ni Monic si Arwin. “ Arwin, baliw daw ako. Hindi ako baliw. Hindi ako baliw. ” Mahigpit ang pagkakayakap ni Monic kay Arwin habang umiiyak ito.
“ Hindi ako naniniwala sa kanila. ” Niyakap siya ng mahigpit ni Arwin.
Napatingin si Arwin sa bintana. Nakadungaw si Aling Poring na sumisigaw. “ Baliw si Monic! Lumayo ka sa kanya! ” Kinalampag ni Aling Poring ang bintana. Nadinig ito ni Monic. Kumalas ng pagkakayakap si Monic. Tinignan niya si Aling Poring. “ Baliw ka Monic! Baliw ka! ”
“ Hindi ako baliw! ”
Tumakbo si Monic palabas ng kuwarto ni Arwin. Bumaba ito sa hagdanan. Hinabol siya ni Arwin pero hindi niya naabutan si Monic.
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK S2: P TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?