▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Season 2: I
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
“ Matulog agad ha! ” Sigaw ni Aling Rita kasabay nang pagsara niya ng pintuan.
Nakapuwesto na sa kanya-kanyang higaan ang apat na kolokoy. Si Leiz na nasa dulo, katabi ang higaan ni Lovely. Si Monic na katapat ang bintana, katabi ang higaan ni Arwin.
“ Gala tayo sa labas! ” Sabi ni Lovely habang nakatingin sa kisame.
Agad siyang kinontra ni Leiz. “ Loko, sabi ni Aling Rita matulog na daw! ”
“ Che! Hindi ikaw inaaya ko! ” Pahabol pa itong bumulong “ Sawsawerang impakta. ”
“ Ikaw... ba’t ba ang init ng dugo mo sakin ha?! ” Bumangon ng higa si Leiz. Nanonood lang sina Monic at Arwin sa pagtatalo nila.
Bumangon din si Lovely. “ E papapel ka e’! Sama-sama ka pa, di ka naman kapamilya! ” Hinagisan ni Lovely si Leiz ng unan.
“ Aray! Amput...... e’ bakit ha! Sayo ba ‘tong resort?!! ” Hinagis din ni Leiz ang unan na hinagis ni Lovely. Agad na sinalo ni Lovely ang unan. “ E’ bakit?! At least may thirty percent ako! ”
“ Thirty percent! Wala nga daw diba?! Kay Monic lang lahat ng ‘to! ”
“ Akin yung c.r. dito! Ano bang alam mo ha?! Tsismosa ka! ” Tumayo na si Lovely. Agad na natakot si Leiz, napaatras.
Bumukas agad ang pintuan. “ Hanyo ba’t hang hingay-hingay niyo’ng mga basha kayo! ” Tumilansik ang kapiraso ng hopia na subo-subo ni Aling Rita. Agad na pinunasan ni Lovely ang mukha niya. “ Putcha.”
“ Shabi ko mashulog na kayo shiba! ” Tuminlansik na naman kay Lovely ang hopia. “ Putcha. ”
“ Shino nyung mahingay! ” Tumilansik na naman. “ Putcha. ”
“ Hano! Walang hahamin?!! ” Tumilansik na naman. “ Put.. ”
“ Matulog na kayo! ” Naubos ang hopia sa bibig ni Aling Rita. Agad niyang ibinalibag ang pintuan.
“ PUTCHA! ”
Tinawanan nila Monic si Lovely. Inis nitong pinunasan ang mukha niya. “ Hahaha! Eiwz, kaderder. ” Nanlisik ang mata ni Lovely habang tumititig kay Leiz na agad namang napatakip ng kanyang kumot sa takot.
Napatayo si Monic sa kanyang higaan. “ Ang ganda ng buwan. ” Napatayo din si Arwin. “ Oo nga. Labas tayo? ”
Agad na pumanting ang tainga ni Lovely. Excited masyado, agad na lumapit kay Arwin. “ Tara labas tayo! ”
“ Sama ‘ko! ” Lumapit din si Leiz.
Humiga ulit si Monic na siyang ikinalungkot ng tatlo. “ Ayoko, matulog na daw sabi ni Aling Rita. Baka mahuli tayo. ”
Nagmamayabang na tumawa si Arwin. “ Monic? Ako pa ba? Arwin ‘to! Sino nagsabing mahuhuli tayo? ” Tumingin si Arwin kay Lovely. “ Ikaw taba, ilock mo yung pintuan. ” Sumunod naman na parang aso si Lovely.
“ Game ka Monic? ” Ngumiti si Monic at bumangon. “ Sige, kaso pano? ” Tinignan ni Arwin ang bintana. Tinignan niya ulit si Monic. Tumingin ito habang nakangiti. “ Naiisip mo ba ang naiisip ko? ”
“ G a m e ! ”
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK S2: J TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?