▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Season 2: A
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Kahapunan matapos ang klase nila Monic. Dumiretso ito sa sementeryo kasama si Arwin.
“ Asan na kaya yung manong? ” Tanong ni Monic kasabay nang paglapag niya ng bulaklak sa harap ng puntod ng Mama niya.
“ Baka nandyan lang. Mamaya dadating din yon. Kausapin mo muna yung Mama mo para hindi mo siya mamiss mamaya. Mamaya mag-aya ka na naman na pumunta. ” Umupo si Arwin sa katapat na puntod.
“ Nakakaloko yung nangyari kagabi no? Grabe, si Loleng tuwang-tuwa eh. Akala mo kahapon lang nakapunta ng sementeryo. Excited pang ikwento kaninang umaga nung hinabol siya ng aso. ” Tumawa si Arwin.
“ Alam mo naman yung tabachoy na ‘yon. Konting takbuhan kala mo adventure na. Wala kasing kaibigan kaya siguro masyadong longing sa bonding. ” Napagtanto ni Monic na siguro nga ay tama si Arwin. Humarap na siya sa puntod ng Mama niya. Tinitigan ang lapida. Nagbago ang emosyon na naramdaman niya. Muling tumakas ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Pinunasan ni Monic ang kanyang luha. Napayuko ito. Ipinikit ang kanyang mga mata. Ipinagkabit ang dalawang kamay kasabay nang kanyang panalangin.
Natuon ang atensyon ni Arwin sa lalaking nagwawalis. Kamukha ni Manong na nakausap nila kagabi. “ Mon-- ” Nabali ang pagtawag ni Arwin kay Monic. Naisip niya na baka seryoso ito sa pagdarasal. Hinayaan niya ang kaibigan.
Tumayo si Arwin sa kinauupuang puntod. Lumapit siya kay Manong na nagwawalis. “ Excuse lang ho kuya, kami yung kagabi. Matanong ko lang ho sana kung puwede kayong kausapin ng kaibigan ‘ko.” Tinignan ni Arwin si Monic na taimtim paring nagdarasal. Napatingin din sa kanya si Manong.
“ Ahh, siya ba si Lily? ” Nangunot ang noo ni Arwin. “ Ay hindi ho, siya po si Monic. Yung anak ni aling Mora. ”
“ Oo nga. Si Madam Mora Aunor at Don Dominic. Kakilala ko yung mga magulang nila. Doon ako nagtatrabaho noong araw ‘e. Sila pa nga ang nagpaaral sa anak ko, ang kaso binawian naman din ng buhay. ”
“ Ahh, mukhang nalalabuan ho ako. Pwede po bang kausapin niyo si Monic? ”
“ Oh sige sige. Basta para kay Lily. ” Napakamot nalang si Arwin sa kanyang ulo.
Itinabi ni Manong ang walis tingting niya. Saktong paglapit nila ay tapos nang magdasal si Monic. Tumayo si Monic. Napatingin siya kay Manong na ikinangiti niya. “ Manong! Nako, buti nakita ko po kayo! ”
“ Ay hindi iha. Siya ang nakakita sakin. ” Itinuro ni Manong si Arwin.
“ Ah hehe. Ganon po ba. Sige sige. Tanong ko lang po. Sino po si Lily? Bakit kakilala niyo ang mga magulang ko? Alam niyo din po ba ang buong kuwento bago sila namatay? Papaanong nagkatuluyan sina Mama at Papa kung nauna si Tita Poring kay Mama? ”
“ Ang dami mo namang tanong iha. ” Natatawang sabi ni Manong. Pati si Arwin ay napatawa. “ Ay sorry po. Nasasabik kasi akong malaman kung ano ba talaga yung nangyari nung di pa ‘ko nabubuhay. ”
“ Oh siya sige sige, ikukwento ko. Kaso mas gusto ko atang sa bahay tayo magkuwentuhan. Mukhang mangangawit ka kung tatayo lang tayo dito. ” Naglakad si Manong. Umaasang susundan siya nila Monic.
Nagkatinginan sina Monic at Arwin. “ Ah, eh. Kung dito nalang po tayo umupo Manong? ” Itinuro ni Arwin ang puntod na katapat.
“ Nako, iho. Gusto mo bang multohin nang nakalibing d’yan? ” Pagbibiro ni Manong. Lumakad itong muli. Tumango si Monic kay Arwin. Naintindihan ni Arwin ang senyas ni Monic. Sumunod silang maglakad kay Manong.
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK S2: B TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?