▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
E:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Pumasok sina Monic at Arwin sa canteen. Umupo ito sa pangdalawahang table. Inis na nilapag ni Arwin ang bag niya. “ Nakakahiya yung ginawa mo. Papano na kung mabawasan ang pogi points ko?! ”
“ Pogi points? Point nga wala, points pa kaya! ” Pamimilosopo ni Monic.
“ Ahh ganon?! Ikaw na bumili ng juice mo! ” “ T-teka! Sige, one hundred points na. ”
“ Yan ang gusto ‘ko! Teka nga, mabilhan kana nga ng juice mo. ” Bumunot si Arwin sa pantalon niya. Habang bumubunot ito. “ Bakit ba kasi wala kang pang bili ng juice ha? ”
“ Hindi kasi ako nakahingi ng pera kay Tita kanina. Isa pa, pauwi na tayo. Ang daya mo! Kanina hindi naman tayo sabay! Sabi ko kapag papasok, ikaw magbabayad ng pamasahe. Kapag pauwi ako. Pero nauna kana kanina! ”
“ Hala oo nga pala. Sorry naman. Dapat kasi kakausapin kami ni coach kanina. Eh yung mga babai naman hinarang ako. ” Patuloy pa rin sa pagkapa si Arwin sa pantalon nito. Nangunot ang noo niya.
“ Ba’t parang wala akong barya? ANAK NG!! Teka? Nagbayad ba ‘ko sa traysikel kanina? NAKO PO! Hindi ako nakapagbayad! ” Nangungunot ang noo ni Monic habang pinapanood na nagpapanic si Arwin.
“ Naiwan ko yung wallet ‘ko Monic! Hala! ” Patuloy ang pangamba ni Arwin. “ Hala! Buti nalang may pera pa ‘ko, sakto sa pamasahe natin! Pero teka, pano na yung juice ‘ko? ” Napasimangot si Monic.
“ Ahh.. akong bahala. ” Ngumiti si Arwin. Nagtaka si Monic.
Mula sa lamesa kung saan nakapuwesto si Monic ay naglakad si Arwin papunta sa mga kababaihang nakapila para bumuli ng pagkain. Nakipila ito. Napatingin ang babaing kaharap. Patagong ngumiti at agad na binulungan ang kaibigan.
“ Si Arwin nasa likod ko. Aguyyy! Mabaho ba ‘ko? -- ”
“ Ha? Oo nga! Teka, gusto mo ikaw na mauna sa pila? -- ”
“ CHE! -- ”
Umubo si Arwin. Walang pumansin. Umubo ulit ito, mas malakas. Napatingin ang kaonti. Umubo ito nang umubo ng malakas na malakas na malakas na malakas. Nagpanic ang mga kababaihan.
“ Uyy? Okay ka lang? -- ” Nasira ang pila. Lahat ng kababaihan ay lumapit sa kaniya.
Hirap na nagsalita si Arwin. “ Tu-tu-tubig..” Umubo ulit ito.
“ Tubig daw! Tubig!! -- ” Sigaw ng babaing hinihimas ang likuran ni Arwin.
Ang isang babai ay kumuha ng plastik na baso sa basurahan at sinalinan ito ng tubig mula sa gripo.
“ Bilis-bilis! Inomin mo ‘to -- ”
Bago sunggaban ni Arwin ang baso ay inamoy niya muna ito. Masuka-suka ang reaksyon niya. “ Ju-ju-juice nalang. ” Umubo na naman ito.
Agad na kumuha ng juice ang isa pang babai sa ref na wala man lang bayad. Binuksan niya ito at agad na iniabot kay Arwin.
“ Oh dali dali! ” Kinakabahang sabi ng babai.
“ Thanks! ” Kalmadong kinuha ni Arwin ang juice. Naging natural ang lahat. Natigil ang kanyang pag-ubo. Lumakad ng matipuno. Iniwan ang mga babaing kanina ay nag-aalala.
“ Ha? Ano ‘yon? -- ”
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK F TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?